^

Pang Movies

Wala nang paki sa mga anak, trabaho lagi ang inaatupag, aktres itinakwil ng mister na aktor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tuluyan na palang naghiwalay ang showbiz couple na ito dahil may mataas na ambisyon pala ang misis ni actor-husband.

Inakala nga noon ng aktor na pansamantala lang ang pagkahilig ng kanyang misis sa pagtanggap ng mga trabaho sa showbiz. Sinabi nito na nililibang lang ang kanyang sarili dahil gusto niyang maranasan ang magtrabaho.

Kahit na may dalawang anak na sila ng aktor, pinayagan niyang tumanggap ng mga raket sa modeling ang kanyang misis. Ang importante ay masaya ito at hindi sila nag-aaway.

Pero noong parang naging priority na ng kanyang misis ang libangan nito, doon na sila nagsimulang mag-away.

Hindi nagugustuhan ng aktor na basta na lang iniiwan ng kanyang misis ang kanilang mga anak sa mga yaya kapag may tumawag sa kanya para sa isang raket.

Mas naging priority na nito ang ibang bagay kaysa sa kanilang mga anak kaya hindi ito katanggap-tanggap sa aktor.

At madalas daw na umuuwi ito ng madaling-araw na, na hindi magandang imahe para sa kanilang mga anak.

Kaya nauwi na sa away at sumbatan hanggang sa magkahiwalay na sila.

Kinuha ng aktor ang mga anak nila dahil alam niyang hindi ito maaalagaan ng kanyang estranged wife dahil nalulong na ito sa kanyang career.

Ang sama pa nito ay hindi man lang ipinaglaban ng kanyang estranged wife ang kanilang mga anak at okey lang na iwan niya ang mga ito, kahit na ang ikalawang anak nila ay ilang taon pa lamang.

Patunay lang na mas mahal nito ang kanyang trabaho kesa sa mga anak kaya tama lang na palayasin siya ng aktor sa kanilang pamamahay.

Ngayon ay walang problemang inaasikaso ng aktor ang kanyang mga anak. Home-based naman ang kanyang trabaho kaya nababantayan niya ang paglaki ng mga ito. Kapag kailangan niyang mag-out of town para sa kanyang real estate business, may mga pinagkakatiwalaan siyang mga yaya para alagaan ang kanyang mga anak.

Hindi pa malinaw kung nag-file na ng annulment ang aktor sa kanyang estranged wife.

Ex ni Jake, limot na ang aktor

Hindi naman itinatago ng Kapuso tween na si Joanna Marie Tan na ex-boyfriend nito si Jake Vargas.

Pero matagal na panahon na raw iyon at naka-move on na silang pareho. Sa katunayan ay kaibigan ni Joanna ang girlfriend ngayon ni Jake na si Bea Binene.

“Alam naman ni Bea ang nangyari sa amin ni Jake noon. It’s all in the past kaya hindi na dapat binabalikan iyon.

“Ang importante ay magkakaibigan kami at wala kaming ilangan sa isa’t isa lalo na’t magkakasama kaming lahat sa Strawberry Lane,” sey pa ni Joanna.

Nagkakilala sina Jake at Joanna noong ginagawa nila ang teleserye na Stairway To Heaven noong 2009. Naging sila noong magkasama ulit sila sa teleserye na First Time.

“Mga bata pa kasi kami nila Jake noon. ‘Yung nagkaroon ng crush sa isa’t isa tapos nauwi sa ligawan. Pero hindi naman kami “Pero we parted naman as friends. Kaya hanggang ngayon kahit na may past kami ni Jake, hindi kami awkward with one another kasi okey naman kami bilang magkaibigan.”

vuukle comment

AKTOR

ANAK

BEA BINENE

FIRST TIME

JOANNA

KANYANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with