One hundred percent ang suporta ni Rocco Nacino para kay Lovi Poe sa issue ng girlfriend with Direk Erik Matti.
Matatandaang naglabas ng kanyang galit si Direk Erik laban kay Lovi sa kanyang Facebook account kung saan ay tinawag nitong starlet ang aktres at sinabihan pa ng “f. . k you.”
Ayon kay Rocco nang makausap namin sa presscon ng pelikula niyang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure, nabasa nila ni Lovi ang naturang FB post ng director at magkausap sila that day na lumabas ito. Aminado siyang pareho silang upset sa pangyayari. But of course, bilang boyfriend, ipinaramdam niya sa dalaga ang kanyang suporta all the way.
“Nung mismong araw, ako ang kausap niya and I was there para pakinggan siya,” he said.
Ano ba talaga ang tunay na pangyayari sa isyung ito at bakit nakapagsalita si Direk Erik ng mga ganu’n?
“I’m not in the position to say, but then, ‘yun nga, medyo na-upset din ako sa nangyari, but then, I was just there, sinasabihan ko siya ng mga dapat niyang gawin, how she should feel about it, sabi ko lang sa kanya, just take the higher road, and mag-usap sila ng manager niya kung paano i-handle ‘yun.
“Siguro, dapat mag-usap-usap sila in person, a closed-door meeting para magkaayos lahat. For sure, it’s a misunderstanding and we all know, Lovi’s not like that. Mga cameos nga sa mga indie movies, ginagawa niya, eh,” pahayag pa ni Rocco.
Pagdedepensa pa ng young actor sa girlfriend, marami raw ang nakakakilala kay Lovi at alam ng lahat na hindi ito mukhang pera.
“Hindi siya mukhang pera. It’s not that big deal pagdating sa TF (talent fee). Throughout ng career niya, na-prove niya na very professional siya and hindi mga ganitong bagay talaga ang makaka-cause ng problem,” pagtatanggol ni Rocco kay Lovi.
Of course, nabasa raw niya ang post ni Direk Erik at aniya, hindi raw dapat ganu’n ang pag-atake sa problema.
“There’s always a way to talk about problems and social media is not one of them. Sana, idaan muna sa pribadong usapan.”
What about Lovi? Ano naramdaman nito? Did she cry?
“Medyo. Of course, na-hurt siya kasi very hurtful naman ‘yung mga words na nandu’n. I told her to be strong, sabi ko sa kanya, wala naman siyang kasalanan kaya she doesn’t have to feel bad about it. Saka sabi ko, “hindi mo kailangang matakot coz everyone in the business knows what kind of person you are. And she’s not like that para tumanggi ng ganu’n. May rason talaga, may personal reason talaga. So, they just have to talk. ‘Yun lang, pag-uusap lang talaga,” he said.
Isang matinding salitang pinakawalan ni Direk Erik ay nang tawagin niyang starlet si Lovi. At say ni Rocco, wala na lang daw sigurong masabi ang direktor.
“Una, nagalit din ako. Pero wala ako sa posisyong magalit o makialam sa issue. Ang pwede ko lang gawin ay makinig sa kanya at suportahan siya at bigyan siya ng advice.”
Ano ang nararamdaman niya kay Direk Erik ngayon?
“Wala naman of course. ‘Di ko pa siya nami-meet, ‘di ko pa siya nakakatrabaho,” he said.
Samantala, proud and happy si Rocco sa Ibong Adarna: The Pinoy Adventure dahil sa ganda ng kalidad ng pelikulang idinirihe ni Jun Urbano. Ginastusan daw talaga ang pelikula at one year in the making dahil sa computer graphics. Pati ang mga costume ay authentic lahat at binili pa sa Mindanao.
Ipapalabas na ang Ibong Adarna ngayong October 1 sa mga sinehan at may endorsement din ang movie from the DepEd (Department of Education of the Philippines).
Toni ayaw munang mag-expect ng proposal kay Direk Paul
Handang-handa na si Toni Gonzaga para sa kanyang 15th anniversary concert na Celestine: Toni Gonzaga na gaganapin sa Mall of Asia Arena on October 3. Talagang dito raw siya naka-concentrate ngayon lalo pa nga’t ito ang kanyang biggest concert to date sa loob ng 15 taon niya sa showbiz.
Isa sa guests niya ang younger sister na si Alex Gonzaga at dito raw sa show na ito ay tototohanin na nila ang laging sinasabi ng mga tao na may sibling rivalry sila dahil talagang magso-showdown daw sila.
May mga naghihinala nga ring baka may surprise na inihahanda sa kanya ang long-time boyfriend na si Paul Soriano at baka biglang mag-propose raw sa mismong concert kaya natatanong din ang direktor na si Paolo Valenciano kung magkakaroon ng ganitong drama.
Natatawa lang si Paolo at hinayaan niyang si Toni na lang ang sumagot. Ayon sa tinaguriang Ultimate Multimedia Star, sa tingin daw niya ay hindi gagawin ng boyfriend niya ang ganu’n.
Kilala raw niya ang BF at hindi raw ito gagawa ng bagay na predictable.
“Kung gagawin niya ‘yun, hindi na siya magiging unpredictable kasi na-predict na ng lahat. Hindi niya gagawin ‘yun,” assured Toni.
Besides, masisira raw ang boses niya kapag ginawa ‘yun ni Paul dahil iiyak lang siya nang iiyak at hindi na makakakanta.
“Madi-distract ako, mawawala ang focus ko. Kaya huwag naman sana niyang gawin ‘yun,” say pa ng singer/TV host.
Ayaw na raw niyang makisabay pa sa mga celebrities na nagpapakasal ngayon dahil nagkakaubusan na raw sa venue ngayon.
“Ang dami nang naka-book, nag-aagawan na nga sila sa venue, ‘di ba? So patapusin muna natin sila,” she said.
Basta sa ngayon, ang Celestine concert muna niya ang focus niya at mairaos lang daw ito ay okay na siya. Sobrang pinaghihirapan daw niya ang concert at napakarami raw surprises na makikita sa kanya ang mga manonoood.
Bukod kay Alex, guests din ni Toni sina Vice Ganda and Piolo Pascual.
Si Toni mismo ang pumili para kay Paolo para maging direktor niya habang si Homer Flores naman ang magiging musical director. Si Pops Fernandez naman ang producer under her DSL Event and Production House with ABS-CBN, Star Records and Star Events as co-producers.