DongYan wedding may second batch pa ang major sponsors!

Ini-release na ng GMANetwork.com ang first batch ng principal sponsors para sa Royal Wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30 at Immaculate Conception Cathedral, Cubao, Quezon City last September 7.  Held at The Goose Station in Bonifacio Global City, ang mga ninong at ninang na napili nila ay mga TV perso­nalities and executives known to be closed to them.  Bale 10 pairs lahat: Floresfida Gonzalez, Wilma Galvante, Regine Velasquez-Alcasid, Lilybeth G. Rasonable, Maria Joycelyn Rustia, Ma. Margarita Gonzales, Celia Rodriguez, Joyce Bernal, Maria Luisa Henson, Lolit Solis, Antonio P. Tuviera, Eduardo Gonzalez, Joel Anthony Rustia, Mac Alejandare, Ogie Alcasid, German Moreno, Mark Reyes, Randy Ortiz, Perry Lansigan, Jose Francisco Gonzalez.  Later, iri-release naman nila ang second batch ng major sponsors. 

Jake tanggap ang pagiging selosa ni Bea

It seems na talagang si Bea Binena na ang mahal ni Jake Vargas at inamin niyang tanggap daw niya ang pagiging selosa lagi ng girlfriend, sa presscon ng bago nilang inspirational drama series na Strawberry Lane.  Huli pang nagsama ang magka-love team sa Home Sweet Home last year kaya naman, nagtatampo na ang mga JaBea fans sa GMA Network dahil bakit daw hindi binibigyan ng bagong show ang da­lawa ganoong mahusay namang umarte at napakarami nilang fans.

Sa Monday, September 22 na ang pilot telecast ng Strawberry Lane. Mara­ming napa-ohhh! nang tanungin sa open forum si Kiko kung bakit bumalik siya muli sa GMA matapos siyang lumipat sa Kapamilya Network.  “I feel safer here,” sagot ni Kiko.  “I love it here, I will stay here as long as I can.”  Marami ring entertainment press na nag-react nang sabihin ni Kim na friends lamang sila talaga ni Kiko.  Tapos na kasi noon ang Tween Hearts, nakikitang sinusundo at dumadalaw sa set si Kiko sa taping ng ibang soap ni Kim.

Papalitan ng Strawberry Lane ang inspirational drama series na Niño na lalo pang tumaas ang rating habang nalalapit ang pagwawakas nila sa Friday, September 12.  Kahapon nag-last taping day si direk Maryo J. delos Reyes, pero walang gustong magsalita kung paano ba magtatapos ang serye ni Miguel Tanfelix as Niño.

Show comments