^

Pang Movies

Pero ingat na ingat sa mga sagot, Mayor Bistek mabilis itinangging nagpapadala ng mga bulaklak kay Kris

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Concentrated muna si Mayor Herbert Bautista sa nalalapit na 75th anniversary celebration ng Quezon City next month, kaya naman baka next year na siya uli gagawa ng movie. Makikipag-co production ang mga kapatid niya sa Viva Films sa isang pelikula kung saan makakasama niya sina Maricel Soriano, Heart Evangelista, at Anne Curtis.

Nakakuha ng updates ang press kay Mayor Bistek sa isang lunch bilang birthday treat niya sa second batch ng press na may birthday mula October hanggang December. Iwas nga lang ang QC mayor na mabanggit si Kris Aquino.

May nakalusot nga lang na tanong sa informal question and answer kung nagpapadala ba siya ng flowers kay Kris na pinu-post ng huli sa kanyang Instagram account.

 “Hindi. Hindi ako nagpapadala sa kanya ng flowers,” tugon ni Mayor Bistek.

 Gayunpaman, nakorner rin ang actor-politician sa one on one interview sa kanya. Pero maingat na siya sa pagbibitiw ng sagot.

Anyway, kaugnay ng anibersaryo ng siyudad, magkakaroon ng maraming activities simula this month hanggang sa susunod na taon.

Ang isang activity na ikinagalak ng press ay ang pagkakaroon ng Quezon City Film Festival sa November. Bukod doon, magiging regular na raw ang updates ni Mayor Herbert with the entertainment press.

Panig ni Lovi hinihintay sa pagmumura sa kanya ni direk Erik

Hindi na napigil ni Direk Erik Matti ang kinikimkim na galit kay Lovi Poe at manager na si Leo Dominguez kaya naman may kasamang mura ang post ng director sa kanyang Facebook account kahapon.

Ayon sa shout out ni Direk Matti, kinukuha niya si Lovi para sa sequel ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 para sa opening scene ng movie. Two days lang ang inuungot niya sa aktres at sa manager.

Sa unang franchise kasi ng movie, buhay si Lovi kasama ang boyfriend na si Dingdong Dantes at anak nilang bagong panganak. Sa bagong movie, si Isabelle Daza ang magiging kapareha ni Dingdong after two years ng istorya.

Saad pa ng director, umayaw raw nu’ng una si Lovi dahil two days lang ang shooting niya. Nang pumayag finally ang aktres, malaking halaga naman daw ang hinihingi niya. “Ridiculous” nga ang deskripsyon ni Direk Erik sa halaga, huh!

Sa parteng ‘yon napika na si Direk Matti. Kahapon lang niya inilabas ang kinikimkim na galit sa aktres at sa manger. Minura pa niya ang aktres sa salitang Ingles at nangakong hinding-hindi na kukunin si Lovi sa anumang project ng Reality Entertainment pati na mga alaga ni Dominguez.

Pinahahalagahan na lang ng director ang kontratang pinirmahan ni Lovi sa kanilang kaugnay ng franchise ng movie. Nalulungkot nga lang siya dahil sa show business, mas madalas na hindi napapahalagahan ang mga kontratang pinirmahan.

Open ang pahinang ito para sa pahayag ni Lovi at ng manager niya.

 

Opppsss sorry!

SI LJ Moreno at hindi si LJ Reyes ang asawa ni Jimmy Alapag na nagpakitang gilas sa katatapos FIBA Basketball World Cup. Si LJ Reyes ang nabanggit sa sub title sa artikulong luma­bas ni Jun Nardo kahapon.

Salamat.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ASWANG CHRONICLES

BASKETBALL WORLD CUP

DINGDONG DANTES

DIREK ERIK

DIREK MATTI

LOVI

MAYOR BISTEK

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with