New look nga ang actress-TV host na si Camille Prats dahil sa kanyang short hair na may pagkakahawig sa hairstyle ng Hollywood actress na si Shailene Woodley.
Ginawa raw ni Camille ang magpagupit para sa sisimulan niyang bagong teleserye for GMA 7 titled Second Chances. Makakasama rito ni Camille sina Jennylyn Mercado, Luis Alandy, at Rafael Rosell. Si Laurice Guillen ang director nito.
Huli ngang teleserye ng aktres ay ang The Borrowed Wife na noong nakaraang May pa natapos.
Sa naganap ngang contract-signing last September 2 sa GMA Network Center, masayang-masaya si Camille dahil muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng Kapuso network na maging exclusive talent nila.
Three years ang kontratang pinirmahan ni Camille at present sa kanyang contract-signing ay ang mga big bosses ng GMA 7.
Ten years na ngang Kapuso si Camille since lumipat siya sa GMA 7 from ABS-CBN 2 noong 2004.
Hindi nga lang sa mga teleserye naging busy si Camille kundi pati sa pag-host ng MARS with Suzi Entrata-Abrera sa GMA News TV.
“Happy ako kasi ever since naman po, I’ve been very happy with my home network, and happy din ako sa mga shows na they’ve been giving me.
“Most of them are really very challenging, especially itong Second Chances. I had to cut my hair short for this role. I took it as a really good challenge.
“Plus I’m working with Direk Laurice Guillen and a really, really good ensemble cast, so very very happy, and excited,” masayang kuwento pa ni Camille.
Very open din si Camille sa kanyang love life ngayon at sine-share nga niya ito sa social media via Facebook, Twitter, and Instagram.
Puno ng mga pictures niya at ng kanyang bagong pag-ibig named John Yambao ang kanyang social media accounts. Naikuwento na rin ni Camille noon na childhood friend niya si John at classmates sila noon sa grade school. Naka-base sa US si John noong muli silang mag-reconnect ni Camille via Facebook noong December 2012.
Si John nga raw ang muling nagpatibok ng puso ni Camille pagkatapos niyang mabiyuda noong 2011 dahil sa pagpanaw ng kanyang husband na si Anthony Linsangan dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.
May isang taon na ang relasyon ni Camille kay John at inamin nito na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
“Let’s face it, I’m not getting any younger. I just turned 29 last June. So when we enter into a relationship we plan for something more than that,” ngiti pa niya.
Wala naman daw naging problema sa mga in-laws ni Camille ang muli nitong pagkakaroon ng bagong pag-ibig.
“They know that they won’t be able to stop me from moving on just as long as I keep my relationship with them. I did my part with my late husband. He’s moved on and I have accepted that.
“For a time, I never actually thought I’d be able to move on. So when I finally did, it also struck me as a surprise. I prayed about it and I prayed about it a lot. So far it’s been good,” pagtatapos pa ni Camille Prats.
Mahal na mahal ang ex-wife, Nick ipinagtanggol si Mariah
Naglabas nga ng ilang tweets ang America’s Got Talent at estranged husband ni Mariah Carey na si Nick Cannon.
Ang kanyang mga tweets ay hindi tungkol sa pakikipaghiwalay niya kay Mariah kundi pagtatanggol sa kanyang estranged wife.
May mga lumabas kasing mga statements na galing daw kay Nick na nagsalita ito tungkol sa kanilang paghihiwalay. Nilinaw ni Nick sa kanyang tweets na hindi siya ang nagsabi no’n at never daw siyang magsasalita tungkol sa nangyari sa kanila ni Mariah.
“For the record I NEVER have, nor will I make a statement regarding my marriage. And finally, ‘Trouble in Paradise’ is the dumbest phrase I’ve ever heard! I would never say that sh!t,” tweet pa ni Nick.
Kabilang nga sa mga na-tweet ni Nick ay ang mga sumusunod:
“I will always love her unconditionally for this and so much more. @MariahCarey is an amazing mother and I trust her wholeheartedly...”
“What infuriates me most is to hear people slander @MariahCarey. I will forever be in debted to her for blessing me with our children...
“I love @MariahCarey and that will never change!!!