^

Pang Movies

Mga Trenderas todo pakitang-gilas sa palengke tour

Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang malaking tagumpay ang naging palengke tour ng TV5 kamakailan sa Pasig City, kung saan pinagkaguluhan ng mga daan-daang Pasigueño ang tatlong bida ng bagong handog na programa ng Kapatid Network, ang musical-drama-comedy na Trenderas, na magsisimula na sa Sabado, September 13 ng 9:00 p.m.

Sa Pasig Public Market ay nagawang makuha nina Isabelle de Leon, Katrina ‘Suklay Diva’ Velarde, at Lara Maigue ang atensyon ng mga tao sa kanilang pagpapakitang-gilas sa kanilang all-out performance ng napaka-catchy na theme song ng Trenderas.  

Kapansin-pansin rin ang excitement ng mga tao nang maka-relate sila sa istorya ng programa matapos bigyan sila ng eksklusibong sneak peek nito.

 Tampok sa Trenderas sina Isabelle, Katrina, at Lara bilang tatlong tinderang best friends na pare-parehong nangangarap maging professional singers balang araw. Tumatak rin sa mga tao ang magiging inspiring transformation ng tatlong bida mula sa pagiging simpleng mga tindera hanggang sila ay tuluyan nang maging pinakabagong trending stars ng bayan.  

Pumatok din sa mga Pasigueño ang pakulong mini-singing contest kung saan naging hurado pa ang mga bidang stars ng “Trenderas”. Hindi naman nagpahuli ang mga napiling contestants na mga tindera mismo mula sa Pasig Public Market, na lalo pang ikinatuwa ng lahat ng dumalo sa palengke tour.  

Bukod sa Trenderas ay nakisali rin sa katuwaan ang dalawang bagong weekend programs ng TV5, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay (kada-Linggo ng 8:00 p.m.) at Talentadong Pinoy 2014 (kada Sabado ng 7:00 p.m.), kung saan nagbigay-aliw sa pag-perform ng kani-kanilang mga kakaibang talento sina Joshua “Yoyo Tricker” Davis—ang pinaka-unang Ultimate Talentado—at sina  Synchro Mover at  Probinsyano Pupeteer na nasubaybayan naman kamakailan lang sa Talentadong Pinoy 2014.  

Ipagpapatuloy nina Isabelle, Katrina at Lara ang kakaibang saya sa palengke tour ng TV5 ngayong buwan sa Commonwealth Market (September 6), Divisoria Market (September 13) at sa Capiz, Bacolod Market (September 21).

BACOLOD MARKET

COMMONWEALTH MARKET

DIVISORIA MARKET

LARA

TALENTADONG PINOY

TRENDERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with