Cesca wala nang kaagaw sa Balesin
O ayan ha, confirmed na ikakasal sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island sa February 15, 2015.
I repeat, February 15, 2015. Therefore, walang problema si Cesca Litton at ang kanyang fiancée na si Tyke Kalaw dahil libreng-libre sila na magpakasal sa Balesin Island sa February 14, 2015.
Mukhang miscommunication lang ang nangyari.
Sa totoo lang, ang Balesin Island ang nakinabang nang husto sa “Bride Wars” nina Heart at Cesca. Umani ng maraming free publicity ang resort na pag-aari ng businessman na si Bobby Ongpin na dapat mag-thank you kina Heart at Cesca.
Marami ang naintriga sa Balesin Island na exclusive lamang para sa mga member. Hindi ako magtataka kung dumami ang inquiries para maging member ng Balesin Island dahil sa mga publicity na inani ng resort. Remember, publicity, good or bad, is still publicity.
Hindi ko pa nararating ang Balesin Island pero mapupuntahan ko ito sa January 2015 dahil dito ang venue ng pag-iisang dibdib ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano at ng kanyang fiancée na si Juancho Robles.
Habang nagkakagulo sina Heart at Cesca, kampante at kalmado si Mama Pinky sa preparasyon niya para sa forthcoming wedding nila ng very lucky guy!
Boy nagbabakasyon at nagpapagaling kasama ang partner
May nagpakita sa akin kahapon ng picture ni Boy Abunda at ng kanyang partner na si Bong Quintana.
Natuwa ako nang ma-sight ko ang picture dahil looking good si Boy.
Nagbabakasyon ang mag-dyowa sa isang beach resort na kulay puti ang buhangin.
Walang nakaaalam sa lugar na kinaroroonan nina Boy at Bong. May mga nanghuhula na nagbabakasyon sila sa Boracay, may nagsasabi na baka nasa Amanpulo ang dalawa at may tsismis na nagpapahinga sina Boy at Bong sa isang beach resort sa Hawaii.
Kinontra ng isang malapit kay Boy ang hula na lumipad sila ni Bong sa Hawaii. Imposible raw na bumiyahe nang malayo ang King of Talk dahil hindi pa siya puwede sa mga long trip.
Hindi na importante kung saan nagbabakasyon si Boy dahil mas mahalaga na on the way to a full recovery na siya.
Sen. Bong hindi na ililipat ng kulungan
Ikinatuwa ko ang balita na hindi puwedeng ilipat sa ordinary jail si Senator Bong Revilla, Jr. dahil ibinasura ng First Division ng Sandiganbayan ang motion ng prosecution na dalhin siya sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) facility.
Nabigo kasi ang prosecution na magbigay ng matibay na argument kung bakit dapat ilipat si Bong sa BJMP.
Nakasaad sa 12-page resolution ng Sandiganbayan First Division na importante na nakakulong na si Bong at hindi ito nakakatanggap ng special treatment.
Natuwa ako nang marinig ko ang balita dahil nangangahulugan ito na hindi na ako dadayo sa malayong lugar para mabisita si Bong. Mas convenient para sa akin ang PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sakop pa rin ito ng Quezon City.
- Latest