^

Pang Movies

Derek lasing daw ‘pag umuuwi at nakikipag-date sa ibang babae

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi sana makasira sa maganda at wholesome image ni Derek Ramsay ang mga sinabi ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ito nagsampa ng reklamo sa kanya.

Nagsampa ng kaso si Mary Christine ng kasong paglabag ni Derek sa Republic Act No. 9262 o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Makati Prosecutor’s Office.

May kinalaman nga ito sa hindi pagbigay ng suporta ni Derek sa kanilang 11-year old na anak na si Austin Gabriel Ramsay.

Kinasal sina Derek at Mary Christine sa Bulacan in 2002.

Pagbunyag ni Mary Christine na mag-isa niyang pinalaki ang anak nila ni Derek na wala man lang daw binibigay itong suporta.

Inamin ni Mary Christine na siya ang nang-iwan kay Derek dahil noong nagsasama sila ay madalas daw itong umuwi nang lasing at nalalaman niyang nakikipag-date pa ito sa ibang mga babae.

Ang gusto lang daw niya ay ang nararapat sa kanilang anak dahil obligasyon ni Derek na magbigay ng suporta at alam ng marami kung gaano kalaki na ang kinikita nito. Sapat na raw iyon para masuportahan nito ang kanilang anak.

Nilinaw din ni Mary Christine na wala siyang hinahabol na kung ano kay Derek. Na-offend daw siya nang husto nang sabihin ni Derek na gusto raw niyang gawin human ATM ang aktor.

 “This is not about me. This is about my son, who wants nothing more than assert his rights as a child from his father,” diin pa ni Mary Christine.

 “I just want to assert my rights as a mother to my kid. Derek is using his money to influence my son’s behavior.

 “I want to live a normal life again. I just hope that the law will favor and protect us from the abuses committed against us by Derek.”

Pacman inaayosang problema ng ‘Pinas at China

Naibalita sa Yahoo News ang plano ng Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao na magtayo ng isang boxing institute sa China.

Naniniwala nga si Pacman na makaka-produce ang bansang China ng mga professional world champions.

Nakipag-partner ang eight-time world titleholder sa isang Chinese company kung saan papangalanan ang naturang institute bilang Manny Pacquiao Boxing Education Institute.

Kilala nga ang China dahil sa kanilang mga accomplished fighters and Olympic champions. Para kay Pacman, maitataas pa nga raw ang level ng kanilang mga athletes lalo na sa larangan ng boxing.

 Kapag na-set up na ang naturang boxing institution, bibisita roon si Pacman para mag-supervise kahit na once a month.

 Dagdag pa ni Pacman na ang ginagawa niyang ito ay isang paraan para magkaroon ng mas magandang relasyon ang Pilipinas sa bansang China.

Nagkaroon nga ng territorial dispute ang ating bansa at ang China sa South China Sea na hindi pa naaayos hanggang ngayon.

 “This will even help in strengthening our relationship ... especially since in this project, the Chinese government is involved.”

Nasa Shanghai, China si Pacman last August 24 para i-promote ang kanyang bagong laban with Chris Algieri on November 22 para sa WBO welterweight title.

Gaganapin ang Pacquiao-Algieri boxing match sa The Venetian in Macau.

Magkakaroon nga sila ng twelve-day tour para sa promotion ng laban na ito. Kasama sa kanilang promotional tour ang Macau, Shanghai, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles, and New York.

Joan Rivers na-coma bigla na lang hindi huminga habang ini-examine ang lalamunan

Naglabas ng official statement si Melissa Rivers tungkol sa tunay na kalagayan ng kanyang inang si Joan Rivers na naka-confine sa isang New York City hospital dahil sa cardiac arrest habang dumaraan ito sa isang routinary endoscopy.

Naka-medically induced coma ang host ng show na Fashion Police sa Mount Sinai Hospital in NYC.

 “I want to thank everyone for the overwhelming love and support for my mother. She is resting comfortably and is with our family. We ask that you continue to keep her in your thoughts and prayers,” saad pa ni Melissa sa naturang statement.

The 81-year old comic legend experience complications habang ini-examine ang kanyang throat sa isang New York City clinic. Bigla na lang daw tumigil itong huminga at agad siyang itinakbo sa Mount Sinai Hospital.

Ayon sa medical report, Joan had cardiac arrest at kinailangan na ilagay ito sa isang medically-induced coma.

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT

AUSTIN GABRIEL RAMSAY

CHINA

DEREK

JOAN RIVERS

MARY CHRISTINE

MOUNT SINAI HOSPITAL

NEW YORK CITY

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with