Nagulantang ang buong showbiz sa post ni Sharon Cuneta last Friday night sa kanyang Twitter and Facebook accounts kung saan ay nakasaaad ang mga katagang “Sharon Cuneta is no longer with TV5”.
Kalakip nito ay ang caption na “I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think! So keep watching out for those clues. Goodnight, everyone! Sweet dreams and May God bless you always! In the meantime, I leave you with this BIG announcement:”
Kahapon naman ay nagbigay na ng official statement ang TV5 tungkol dito. It read: “TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being a part of the Kapatid network for three years. The network wishes her well in all her future endeavors.”
Siyempre, ang lahat ay nagtatanungan kung saang istasyon lilipat si Megastar. Babalik ba ito sa ABS-CBN na naging tahanan din niya ng napakatagal na panahon bago siya lumipat sa TV5 o bagong istasyon naman ang kanyang susubukan – ang GMA 7? Or baka naman freelancer na siya?
Sa tono kasi ni Shawie ay may napakalaking project na niluluto para sa kanya at maging sa mga posts niya after the “big announcement”, parang ang saya-saya niya at parang satisfied naman siya sa naging desisyon niya.
Sinabi rin niya in her post na si Frankie (panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan) raw ang gumawa ng kanyang “announcement”.
“BTW, my girls and I did a HAPPY DANCE last night when I told them the news! And Frankie made my “announcement.” Thanks, Kakie! Hahaha! Joy is truly infectious! I think my babies missed me smiling all the time! Thank God I am again,” post ni Shawie kahapon ng tanghali.
Oh well, for sure, ang dami nang curious tuloy malaman what’s next for the Megastar.
Jennylyn at nanay magba-bonding sa UK
Inilabas na ng Quantum Films sa YouTube ang first teaser ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila na English Only, Please na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado and Derek Ramsay and in just five days, umani na ito ng mahigit sa 76,000 hits.
Puro positive reviews din ang nabasa namin sa comments section. Aliw na aliw sila sa teaser at nabitin nga raw sila dahil 1 minute and 8 seconds lang ang length nito.
Samantala, hindi lang sa movie excited si Jen kundi sa nalalapit niyang pag-alis papuntang United Kingdom. She’s having her first major live concert there on Sept. 13 and 14 sa Birmingham and London respectively.
Jen is leaving on Sep. 11 at kasama niyang aalis ang kanyang adoptive mother na si Lydia Mercado at si Kat Aguila na anak ng kanyang manager na si Tita Becky.
Excited si Jen dahil first major concert niya ito sa UK at first time rin niya sa Europe kaya susulitin na niya. Two weeks silang mawawala and good timing na rin ito para makapag-bonding din silang mag-ina since first time nilang magkakasama sa labas ng bansa na ganito katagal.
Right after the concert ay maglilibot-libot na sila at ipapasyal daw sila ng kanyang producer sa Italy, Rome, Milan, Vatican City, Paris, and London.
Nakatakda rin silang manood ng Miss Saigon sa Sept. 16 at excited na si Jen na mapanood si Rachel Ann Go.
Pagdating ni Jen ay sabak na agad siya sa trabaho dahil bukod sa English Only, Please ay may bago na siyang sinisimulang serye sa GMA 7, ang Second Chances with Raymart Santiago, Luis Alandy, and Rafael Rosell.