^

Pang Movies

Sam nagpapakadalubhasang mag-Tagalog

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami, mahusay na palang magsalita ng Tagalog si Sam Milby, at iyon ang ipinagmamalaki niya noong magkaroon sila ng press conference ng pelikula niyang The Gifted. Ang nakakatawa roon, ang role niya ay isang estudyanteng hirap mag-Ingles. Kabaliktaran iyon ng kanyang personality talaga dahil alam naman natin, dugong Kano si Sam at noong magsimula siya, kakaunting Tagalog lang ang alam niya. Pero iyon ang challenge eh, gusto niyang maging artistang sikat, kaila­ngang matutunan niyang magsalita ng Tagalog.

Ang nakakatuwa pa, very fluent ang kanyang pagsasa­lita ng Tagalog, at nagkatawanan pa nga nang gamitin niya ang isang salita, iyong “dalubhasa” na isang malalim na salita kung ituring. Kasi sa conversational Tagalog o Pilipino, ang ginagamit na karaniwan ay “eks­­perto” na hango sa salitang Kastila. Pero si Sam, Pi­lipinung-Pili­pino talaga ang ginamit na salita, “dalubhasa”.

Tingnan ninyo iyan, isang dugong Kano, nagpapaka-Pilipino, samantalang ngayon ang daming Pinoy na sobrang nagpapaka-Kano hin­di lamang sa pagdadamit, kung ‘di ganoon din sa kilos, sa pagsasalita at maging sa hilig sa musika at pagkain. Tingnan ninyo, noong araw ba pinapansin natin iyang burgers at iyang hotdogs, na­tural hindi dahil ang hinahanap natin ay iyong mga lutong bahay. Pero dahil sa propagandang Kano, nahilig tayo sa mga ganyang pagkain at ang epekto, dumami naman ang sakit.

Noong araw, ang mga Pilipino ay maayos ang pagda­damit. Iyang denims na tinatawag ngayon, ang tawag diyan ay “maong” at ang nagsusuot niyan noon ay mga magsasaka at iyong mga minero, kasi nga hindi dumihin iyan at kung dumumi man, ok lang. Pero dahil iyan ang nakikita sa mga Kano, aba nauso ang denims. Sa totoo lang, talagang nabigla kami noong isang araw, nang bumili kami ng isang pantalong maong, aba mahigit na tatlong libong piso na ang isa noon ngayon. Alam ba ninyo na noong araw na bata pa kami, iyang pantalong maong nabibili lang iyan sa halagang singkuwenta pesos.

Pero sa totoo lang, hanga kami ngayon kay Sam dahil sa kanyang pagpapaka-Pilipino.

Markki pinag-uusapan sa maiinit na pictures

Hindi siya ang nalalagay sa malalaking billboards na nakita namin sa EDSA, pero palagay namin si Markki Stroem ang siyang makikinabang nang husto sa gagawing show ng Bench sa September 19 na pinamagatan nilang Naked Truth. Gagawin iyon sa MOA Arena.

Bakit namin sinasabing si Markki ang makikinabang? Eh kasi kung titing­nan ninyo sa mga social media, ang pictorial at poster na ginawa nila para kay Markki sa nasabing event ang siyang pinag-uusapan at talagang panay ang labas. Siguro nga kasi talaga namang daring ang mga photos ni Markki. Sexy pero hindi naman bastos lumabas. Hindi naman gagawa ang Bench ng bastos na advertising.

Hindi sila papayag na ilagay ang ganoong mga pictures sa mga malalaking billboard, pero ilan nga ba ang nakakapansin ng billboards na malalaki? Iyong mga interesado sa mga ganyang shows, nasa Internet iyan. Aba mas malaking publisidad pa iyan kaysa doon sa ginawang isang indie ni Markki na sinasabing sobra niyang daring. Mas matindi pa iyan kaysa sa nakuha niyang publisidad sa mga inilabas na CD niya. Kung titingnan mo ngayon, mas sikat na si Markki bilang model kaysa bilang actor o singer.

Alam ba ninyong dahil doon ay marami nga ang nagtatanong sa amin ngayon tungkol kay Markki, at ang karamihan ng mga nagtatanong sa amin ay mga babaeng teenagers. Palagay namin magandang signs iyan kung mababaling ang atensiyon nila kay Markki kaysa sa naloloko sila sa mga artista at mo­delong Koreano. Si Markki Stroem, may dugo ring dayuhan pero Pilipino siya. Iba talaga ang Bench.

ALAM

ISANG

IYAN

KANO

MARKKI

PERO

PILIPINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with