Naunahan pa ang Q.C., kalye sa Batangas ipinangalan kay Da King

Guess who was at the opening and blessing of a new race track in Malvar, Batangas? No less than Susan Roces.

The owner of the race track, we heard kasi is a good friend of the late FPJ (Fernando Poe, Jr.), Susan’s husband. Like Ronnie (FPJ’s pet name), the race track owner ay laging naroroon.

‘‘Madalas daw silang magkita ni Kuya Ronnie,’’ said Dolor Guevarra, Susan’s talent manager, ‘‘kung hindi man sa Sta. Ana race tracks, sa San Lazaro.

‘‘At heto, kapag nanalo raw si Kuya Ronnie, lahat ng nakapaligid sa kanya, may pabuya.

‘‘Wala raw uuwing luhaan, kakilala man ito o hindi ng The (Movie) King.’’

It was on the opening day of the said race tracks that the street where exactly the establishment stands, was named FPJ Street.

‘‘Naunahan pa nila ang Quezon City,’’ dugtong ni Dolor, ‘‘na matagal na nagbalak na i-rename ang del Monte Avenue na FPJ Avenue.

‘‘Yes, exactly where Kuya Ronnie’s FPJ compound stands.’’

The FPJ building was the first big structure constructed in the area, na hanggang ngayon tinatawag na Del Monte Avenue.

Kaya malakas ang hatak, Jane hindi pinababayaan ni Jeron

Ang dating Goin’ Bulilit mainstay na si Jane Oineza, now 18 years old, ang hinuhulaang tatanghaling Pinoy Big Brother (PBB) All in Champ this Sunday (August 24.)

Nakailang-ulit na kasi siyang na-nominate for eviction. But always nase-save siya sa laki ng botong ibinahagi sa kanya ‘di lang daw ng kanyang mga tagahanga, kung hindi, maging ng mga followers ng kanyang mga kaibigang artista. Including ang mga fans diumano ng basketbolistang si Jeron Teng, na sinasabing malakas ang ‘‘tama’’ sa dalaga.

Kung sabagay, isa siya sa pinaka-interesting na boarder ni Kuya sa kanyang house. In fact, dahil sa kanya, kaya, magandang panoorin ang programa.

Masyadong ma-drama kasi si Jane. In fact, ‘di nga ba at ilang fans (ng ibang boarders ni Kuya) ang tumatawag sa kanyang Iyak Queen.

Walang duda ring, maganda si Jane. Kahit pa ‘di siya nakaayos, habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, tawag pansin ang kanyang beauty. No wonder na ‘‘lokong-loko’’ sa kanya ang kae-evict na si Joshua Garcia.

Actually, ‘di man mapasama si Jane sa top four, which is unlikely, considering her following, may showbiz career pa ring naghihintay sa kanya.

Tulad din ni Daniel Matsunaga, na ang biggest setback kung bakit ‘di siya mabigyan ng chance na maging bida sa pelikula ay ang kanyang ‘‘pilipit’’ na dila. Lalo’t sa pananagalog.

On our end, sa totoo lang, Salve A., we want Maris Racal, 16, to bring home the prize.

Like Kim Chiu, na bet na namin noong unang pasok pa lamang siya sa PBB Teen Edition, malaki ang posibilidad na sisikat si Maris. Lalo pa nga at gifted siya with a good voice.

Kailangang magtrabaho ng maayos, Kim at Coco ginustong laging groggy

Coco Martin, like his Ikaw Lamang leading-lady, Kim Chiu, will soon be busy with a movie, too.

While Kim is now shooting for Past Tense with Ai-Ai delas Alas and Xian Lim, Coco has started work on his first team-up with Kris Aquino, Feng Shui II, a Metro Manila Filmfest (MMFF) entry.

Madugo pareho, inaamin nina Coco at Kim, ang kanilang schedule, dahil since sila ang bida sa Book Two ng series na Ikaw Lamang, must na mag-taping sila for at least thrice a week.

‘‘Na, kung minsan,’’ bulong ng isang spec­tator, ‘‘inaabot ng 3 in the morning.

‘‘Kaya, you can imagine, how groggy individually Coco and Kim are, kapag may sche­dule sila sa kani-kanilang movie.

‘‘But as they both said, it is a responsibility na pareho nilang tinanggap. Kaya wala silang choice,’’ susog pa ng informer.

Show comments