^

Pang Movies

Vice Ganda idinepensa ang kabaklaan ni Enchong

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ipinagtanggol ni Vice Ganda si Enchong Dee sa hindi mamatay-matay na tsismis na bading ito. Ayon sa komedyante, noong una rin ay inakala niya ring gay ang aktor dahil malambot itong kumilos.

“Kasi ako personally, pinagdudahan ko rin ang pagkatao ni Enchong. Minsan sa buhay ko sinabi ko sa sarili ko ‘Bakla itong si Enchong.’ May lambot kumilos, effeminate,” say ni Vice sa The Buzz last Sunday kung saan ay siya ang tumayong co-host ni Toni Gonzaga dahil wala si Kris Aquino at Boy Abunda.

Pero hindi naman daw lahat ng effiminate ay bading na the same way na hindi lahat ng matitigas na lalaki ay totoong lalaki.

“Hindi naman kapag nakabestida, totoong babae. May nakabestidang tomboy,” sambit pa ni Vice.

May napagtanungan na rin daw siya na isang close kay Enchong tungkol sa kasarian ng aktor.

“Meron akong taong nakausap na napakalapit sa kanya na kung merong makapagsasabi kung ano si Enchong, siya ‘yun. Tinanong ko, ‘Bakla ba si Enchong?’ Hindi raw.

“Oh eh ‘di tanggapin ko sarili ko na hindi. Bakit ko ipipilit sa sarili kong bakla kung hindi? Wala namang magagawa sa buhay ko ‘yan,” say ng komed­yante.

Kaya payo niya sa mga bashers ni Enchong, itigil na raw ang panlalait at pagdududa sa aktor.

“Bakit ba pinipilit niyong bakla si Enchong? Unang-una, kung bakla, ano naman? May magagawa ba kayo? May problema ba kayo sa bakla? Kung sinabi niyang hindi bakla, bakit hindi n’yo pa rin matanggap?

“Get a life. Sinabi niyang hindi siya bakla, wala na tayong magagawa, paniwalaan natin,” say pa niya.

Super-agree!

Boyet totoong anak ang tingin kay KC

Unang nakasama ni Christopher de Leon si KC Concepcion sa seryeng Lovers in Paris pero wala raw silang masyadong eksena hindi katulad ngayon sa Ikaw Lamang na sila ang parating magkaeksena since mag-ama nga ang kanilang roles.

Ayon kay Boyet, ibang-iba raw si KC ngayon kaysa nang una niyang makasama.

“She’s a lot different now. She’s very into it. She is very serious with what she’s doing and she made me feel like I am her father. And she was so sweet that day, that time, every scene we made, and ganu’n na rin ako. I would look at her as really my daughter. So, ang ganda ng chemistry. So far, so good,” say ni Boyet.

Si KC naman ay aminadong kinabahan nang malaman niyang makakasama niya si Boyet na dati ay leading man pa ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

“Kinabahan talaga ako at first. ‘Di ko alam kung ano ang magiging attack ni Tito (Boyet), kung ano ‘yung magi­ging style or kung parang kaya ko ba?” say ni KC.

Pero tulad nga ng sabi ni Boyet, nagagampanan ni KC nang mahusay ang role niya bilang “Daddy’s girl” sa Ikaw Lamang dahil sa mga eksena nilang napapanood namin, para ngang tunay na ama niya ang aktor sa kanyang acting.

Joseph naka-first base na kay Alex?!

Mukhang may namumuong “something” si Joseph Marco para sa leading lady niya sa Pure Love na si Alex Gonzaga dahil puro papuri ang luma­labas sa bibig niya tungkol sa aktres.

“Ang gaan-gaan niya katrabaho. Ang dami niyang punch lines, minsan sa set, kapag pagod na pagod na kami, siya, panay joke lang,” say ni Joseph.

Masasabi ba niyang purely working relationship lang sila and nothing more?

“Well, she’s single, and I’m single, so. . .” pahaging na sagot ni Joseph.

So, may possibility na magkagusto siya?

“Well, I’m not closing my doors,” say pa ng isa sa bida ng Talk Back and You’re Dead na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Well, mukhang sinisimulan na ni Joseph ang panliligaw dahil ibinuking ni Toni Gonzaga last Sunday sa The Buzz na niyaya raw ng aktor ang kapatid niya na maka-partner sa Star Magic Ball.

ALEX GONZAGA

BAKLA

BOYET

ENCHONG

IKAW LAMANG

KUNG

NIYA

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with