Ogie umaming bad boy din!

Dahil Throwback Thursday with Mr. A ang title ng upcoming birthday concert ni Ogie Alcasid, sa pocket presscon kahapon na ginanap sa Jet 7 Bistro ay throwback din ang mga napag-usapan.

Nag-flashback si Ogie ng mga struggling years niya sa industry. Na hindi naman daw lahat ng pa­nahon ay okay at may moments of depression din.

“Nagkaroon din naman ako ng struggles sa personal life ko. ‘Pag naiisip ko nga si Robin Williams, di ba? Parang sige nang sige nang sige and then he died sad.

“Eh ganyan din kami, eh. Lagi. Iba lang talaga ang Holywood, I guess,” he said.

Noong time na dumadaan daw siya sa depression ay nandiyan ang family and friends niya para suportahan siya at malaking bagay daw ‘yun para maka-recover siya.

He singled out his separation with ex-wife Michelle Van Eimeren as his “pinakamatin­ding” depression.

“Hindi naman madali ‘yun. Kasi I was living alone for 7 years. Eh sanay ako ng may bata, mai­ngay, ‘pag Pasko. So, medyo ano rin. . .hindi rin madali.

“Kaya ‘pag may naghihiwalay, sinasabi ko talaga, “huwag n’yong ituloy ‘yan kasi akala mo, ‘yun ang solusyon, hindi talaga, eh.

“Maraming lumalapit sa akin na ‘yung pahiwalay na. Feeling nila iba-validate ko ‘yung gagawin nila kasi naging okay ang buhay ko. Sasabihin ko talaga, wag. Hindi maganda. It’s the worst thing you can wish on yourself. Kasi, annulment, ang hirap, ang hirap talaga. Wag ganu’n,” he said.

Marami rin naman daw siyang stupidity na nagawa when he was younger at aminado siyang “bad” daw siya noon.

“Hindi naman sobrang bad. But I was not ideal. Dumaan ako do’n. At ‘yun ngang nangyari sa akin, di ba? Hindi naging maganda ang focus ko. Mabuti na lang talaga, nasagip ako,” he recalled.

Naging maayos daw ang relasyon niya with Michelle and her kids at nagsimula na rin siyang ma-in-love kay Regine Velasquez kaya nagtuluy-tuloy na rin siyang makabangon.

Ngayon, happy si Ogie sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay lalo na when it comes to his family. Para nga raw silang isang malaki at masayang pamilya kapag nagkikita-kita sila nina Michelle kasama ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, gaganapin sa Aug. 28 ang TBT with Mr. A, birthday concert ni Ogie sa Music Museum sa ganap na 8:00 p.m. Dahil throwback concert nga ito, tiyak na mage-enjoy ang lahat (especially ‘yung mga inabot ang 80’s era tulad namin) sa 80s music na repertoire ng singer/songwriter.

Marami ring special guests si Ogie sa concert pero surprise na lang daw at hindi pwedeng isulat.

Coco at Kim nadagdagan na naman ang award

Muling umani ng parangal ang lead stars ng top ra­ting teleseryeng Ikaw Lamang na sina Coco Martin at Kim Chiu.

Matapos tanghaling Grand Slam Best Actor si Coco at Actress and Celebrity of the Year ng Yahoo OMG Celebrity Awards si Kim, muling binigyan ng parangal ang dalawa ng 4th Eduk Circle Awards, isang prestihiyosong award-giving body na binubuo ng mga guro, professors at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas.

Si Coco ay tinanghal na Best Television Drama Actor of the Year samantalang si Kim ay tinanghal na Most Influential Actress in A Film. Coco won for Juan dela Cruz while si Kim for Bride for Rent.

Sa isang online poll, ang 2nd Philippine Edition’s Icons of the Year, tinanghal na Male Showbiz Icon of the Year si Coco Martin para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Samuel sa top rating teleseryeng Ikaw Lamang.

Ang sunud-sunod na parangal na inaani nina Coco, Kim at ng Ikaw Lamang ay isang patunay ng kanilang kahusayan bilang aktor at aktres sa tinaguriang master serye sa Philippine Television.

Show comments