Tandem nina Goma at K Brosas pumalo sa ratings
Ang saya naman ng TV5 dahil first episode at initial telecast ng Quiet Please! Bawal ang Maingay last August 10 ay kinagat agad ito ng televiewers. Kaya nakakuha ito ng mataas na ratings na karaniwan na inaabangan ng TV producers dahil ito ang magiging batayan kung magki-klik sa ere ang kanilang programa. Sabi ng televiewers, bagay daw pala ang tandem nina Richard Gomez at ang komedyanteng si K Brosas. Swak na swak sa kadaldalan si K sa seryosong si Goma.
Walang preno raw ang bibig nito. Feeling nila pinaglihi sa keps ng baboy si K. “Quiet Please,” feeling ko rin kasabihan kasi kapag madaldal, kesyo mapa-babae o mapa-lalaki, ipinaglihi siya ng ina niya sa keps ng baboy. Ha ha ha ha!
Marami pa sanang mahihirap na matulungan…
On going pa rin ang kaso ng lumubog na MV Princess of the Stars versus relatives ng mga biktima ng sensational na trahedya ng lumubog na barko na kung ilang daang pasahero ang nasawi ilang years ago na ang nakararaan. Ang hirap pala ng ganitong kaso na ipinaglalaban, aamagin lang. Tapos sobrang magastos pa. Pero matiyaga ang PAO (Public Attorneys Organization) lawyers , sa pamumuno ni Chief Atty. Persida Acosta who is celebrating her birthday at tiyak dagsa ang well wishers niya sa kanyang tanggapan sa PAO Bldg. sa Diliman Quezon City, malapit sa Q.C Hall, Social Security System, Heart Center, at GMA 7, EDSA.
Hindi raw bibitawan ng PAO ang MV Princess of the Stars case hangga’t walang magandang resultang nakakamit.
Meanwhile, posibleng magbalik-telebisyon si Atty. Persida sa isang bagong programa like, Face the People, pero hindi pa raw nila alam kung anong network. Hindi pa rin daw makumbinsi si Atty. Persida ng isang movie producer na gustong isa-pelikula ang real life story niya. Na mula sa mid-class family, nagtapos ng abogasya ay maraming legal cases siyang hinawakan at nabigyan ng hustisya lalo na sa mga mahihirap at aping mga tao. Never daw siyang nagkaroon ng pangitain na magiging PAO Chief siya.
Year 2006 nang ipatawag siya ng Chief Justice, nagtungo daw siya sa office na walang garbong ayos, simple ang suot na damit, unat na buhok at bahagyang pulbos at kolorete. ‘Yun na, Chief na siya ng PAO nang umuwi ng bahay. Nagulat si Atty. Persida sa nangyaring iyon sa kanya. Hindi niya alam na nasusubaybayan pala siya sa pagtulong na ginagawa niya sa mahihirap na tao na walang pambayad ng abogado kapag nademanda o nagdemanda sila.
Happy ang family ni Atty. Persida, ang husband niyang si Atty. Ben Acosta at mga anak. From us and staff of PM (Pang Masa), my editor, a bouquet of red & pink roses to a lady with a golden heart, Madam Persida. Happy Birthday ang God bless you!
- Latest