Patrick parang virgin ang pakakasalan samantalang may anak na naman

MANILA, Philippines - Akala ng marami, virgin pa si Nikka Martinez kaya nag-propose sa kanya si Patrick Garcia. Matagal na niya itong ka-live-in at may anak na sila, si Chelsea.

Nang maging Born Again si Patrick, natuklasan niyang siya ay nabubuhay sa kasalanan.  “Kaya para ituwid ang mali, naisip kong itama na ito.  Pakakasalan ko na si Nikka,” sabi ng aktor na palipat-lipat ng network.

Dati sa Channel 2 siya.  Lipat sa Siyete.  Balik Dos muli.

May anak na lalake si Patrick kay Jennylyn Mercado

Iza wala pa ring engagement ring

Balik-showbiz na si Victor Neri sa bagong teleserye ni Piolo Pascual, Hawak Kamay.  Iba na ang hitsura niya ngayon.  Tumaba at hindi na gwapo.  Tama lang na papel tatay na lang siya ni Zaijian Jaramilla na bagay naman sa kanya.

Si Victor ay ex boyfriend ni Iza Calzado.  “Short term relationship lang yon,” pag-amin ni Iza.  Madalas niya itong kakuwentuhan noon.  Gusto raw nitong maging lawyer noon.  Tapos, minsan, sabi nito gusto naman daw niya na maging chef.  Hanggang sa makapag-asawa na nga ito. 

     Si Iza, kailan kaya magiging married woman?  “Ay naku, hindi pa, wala pa nga akong engagement ring e.  Mga two years from pa raw siguro.”   

                                                                              

Show comments