Hindi naman nakapagtataka kung maging ninong si P-Noy sa church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Very close si Dingdong kay P-Noy kaya normal lang na maging principal sponsor sa kasal nila ni Marian ang pangulo ng Pilipinas.
Kahit walang exact date na sinasabi ang magdyowa, malakas ang bulung-bulungan na ikakasal sina Marian at Dingdong sa December sa Immaculate Conception Cathedral, Cubao, Quezon City.
Natatandaan ko na kumalat noon ang balita na nagpapagawa ng wedding gown si Marian sa isang mahusay na designer na based sa Middle East.
Pinabulaanan ni Marian ang balita na pinaniwalaan dahil walang kasalan na nangyari noong 2013.
Sa tuwing nagkikita kami ni Marian sa parlor ni Bambbi Fuentes, may mga kuwento siya tungkol sa wedding plans nila ni Dingdong. Nakikinig lang ako sa mga kuwento ni Marian na hindi ko isinulat noon dahil private conversation.
Pagkatapos ng proposal ni Dingdong noong Sabado sa Marian, saka ko naalaala ang mga kuwento sa akin ni Marian.
Nakaraan nina Sam at Anne naungkat na naman
Dark sexy comedy ang description ni Anne Curtis sa The Gifted, ang pelikula nila ni Sam Milby na showing sa mga sinehan sa September 3.
Tiniyak ng mag-ex-dyowa na magugustuhan ng manonood ang kuwento ng The Gifted dahil maganda ang script at direksyon ni Chris Martinez.
Nauungkat uli ang past nina Anne at Sam dahil sa tambalan nila sa The Gifted. Dahil past is past, komportable na ang dalawa sa pagkukuwento tungkol sa kanilang love affair na nauwi sa hiwalayan.
Tandang-tanda ko na crush ni Anne si Sam. Witness ako sa sobrang kilig ni Anne kay Sam sa rehearsal ng Bituing Walang Ningning sa Araneta Coliseum noong October 2006.
Hindi ko makakalimutan ang petsa dahil invited ako sa taping ng grand finale ng soap opera na pinagbidahan ng aking favorite singer/actress na si Sarah Geronimo. Kasali si Tonton Gutierrez sa TV remake ng Bituing Walang Ningning kaya nagpunta ako sa Araneta Coliseum.
Panay ang kuha ni Anne ng picture kay Sam, gamit ang kanyang digital camera. Wala pa silang relasyon noon. Fan na fan ang projection ni Anne habang kinukunan niya ng litrato ang kanyang future boyfriend.
Hindi nauwi sa wala ang effort ni Anne dahil eventually, naging boyfriend niya si Sam. Hindi nga lang nagtagal ang kanilang love affair.
Malabo nang magkabalikan sina Sam at Anne, kahit naging friends uli sila sa filming ng The Gifted. So in love si Anne sa kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff at personal choice ni Sam na maging single dahil hindi pa niya natatagpuan ang babae na karapat-dapat na mahalin.
Pagpapakamatay ni Robin Williams ipinagluluksa ng buong mundo
Ipinagluksa ng buong mundo ang pagkawala ni Robin Williams na pinili na wakasan ang sariling buhay.
Severe depression ang nagtulak kay Robin para magpakamatay.
Maraming tao ang pinaligaya at pinatawa ni Robin. Walang nag-akala na napakalungkot ng buhay ng isang mahusay sa pagpapatawa.
Hindi nag-iisa si Robin. Kahit sa local showbiz, maraming artista ang mukhang maligaya pero saksakan ng lungkot ang mga personal na buhay. Ang sobrang kalungkutan ang nag-uudyok sa kanila na maglasing at gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Huli na nang ma-realize nila na lulong na sila sa masamang bisyo kaya nahihirapan na sila na umahon mula sa matinding depression. Ang pagpapakamatay ang tanging solusyon na naiisip nila dahil sa sobrang kalungkutan.