MANILA, Philippines - Haharap ngayong Lunes sa Face the People ang kontrobersyal na komedyanteng si Ethel “Booba” Gabison upang magsalita sa mga taong nagsasabing notoryus siyang ‘gimikera’ kaya wala na siyang showbiz career ngayon.
Mula pa man noong una siyang nakilala ay marami nang kinasangkutang mga eskandalo at isyu si Ethel Booba. Mula sa kanyang pagiging pasaway at taklesa, sa mga nakarelasyon niya daw na showbiz personalities, mga nakaaway sa industriya, sex video scandals hanggang pagkakasunog daw ng kanyang condo unit, lahat ay prangka at matapang na hinarap ni Ethel. Maraming nagsasabing sa likod ng pagiging komedyante ni Ethel ay isang matalinong babaeng mabilis mag-isip at magaling umisip ng mga pagpapatawa.
Pero hindi lahat bilib kay Ethel. Para sa entertainment columnists na sina Peter Ledesma at Pete Ampoloquio, gimik lang ni Ethel ang lahat ng mga isyung pinaikutan niya dahil gusto lang nitong mapag-usapan siya ng mga tao. Ito daw ang rason kung bakit wala nang career si Ethel. Puro nalang daw kasi negatibo ang nababalitaan sa kanya kaya naman natatabunan ang kanyang talento. Depensa naman ng kanyang kapatid na si Emyrose “Boobita” Gabison, hindi kasi kilala ng mga tao ang kanyang ate kaya naman nahuhusgahan daw ito.
Ngunit si Ethel, may mga pasabog daw? Ano-anong mga ikakanta niya habang nakaupo sa silya de konsensya? Wag palampasin ang kontrobersyal, matapang at nakakatawang pagharap ni Ethel sa Face The People, 10:15AM bago ang Let’s Ask Pilipinas sa TV5!
DZMM TLC, namigay ng libreng serbisyo sa amoranto
Nagbigay ng serbisyo publiko ng DZMM Radyo Patrol Sais Trenta sa pagdiriwang pa rin ng ika-28 na anibersaryo nito kung kaya’t dinala nila “Teaching, Learning, Caring” (TLC) project nito sa Amoranto Theater sa Quezon City kahapon (Agosto 10).
Nagsanib-puwersa ang mga programa ng DZMM sa naturang TLC event na hitik sa activities gaya ng livelihood seminars ng Radyo Negosyo na nagturo ng mga pwedeng pagkakitaan, beauty services at derma consultation ng “Ma-Beauty Naman Po,” at ang libreng konsultasyong medikal hatid ng Magandang Gabi Dok at Dra. Bles @ Ur Serbis.
Bukod sa pagpapakain at especial na film showing para sa mga bata, nagkaroon din sila ng storytelling session kasama ang mga bida ng Hawak Kamay na sina Xyriel Manabat, Andrea Brillantes, at Zaijian Jaranilla.
Nagkaroon ding libreng legal na konsultasyon hatid ng “Usapang De Kampanilya,” disaster preparedness lecture mula sa “Red Alert,” tindahan ng mga organic na gulay at iba pang produkto mula sa “Sa Kabukiran,” at one-stop booth para sa mga serbisyo ng SSS, PhilHealth, NBI, NSO, at PAG-IBIG.
Pagkatapos nito, may nakakasa na ring isa pang DZMM TLC sa Agosto 22 para naman sa mga biktima ng Bagyong Glenda sa Brgy. Calumpang sa Liliw, Laguna.