^

Pang Movies

Dennis nagsalitana sa pagbabalikan nila ni Jennylyn!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Very proud si Dennis Trillo na nakagawa siya ng isang dream role at dream project sa indie film na The Janitor, nang makausap siya pagkatapos ng gala night ng first indie film ni Mike Tuviera sa Cinemalaya X sa Cultural Center of the Philippines.  Pinuri ang movie at ang acting ng buong cast, kasama rin sina Richard Gomez, Derek Ramsay, Ricky Da­vao, LJ Reyes, Nicco Manalo, at Dante Rivero.

“Ito talaga ang first action movie ko and I thank Direk Mike na binigyan ako ng pagkakataon magawa ang project,” sabi ni Dennis. “Matagal-tagal na rin akong walang ginagawang drama series at pelikula. No, hindi ako nagwi-wish ng award, ang dream ko lamang, maipalabas ito in commercial theaters para mas maraming makapanood.”

Sumuporta sa gala night si Marian Rivera dahil producer nito ang Tatay Tony Tuviera niya ng APT Entertainment at naroon din ang mag-sweetheart na John Lloyd Cruz at Ange­lica Panganiban, in support naman kay Richard na kasama ni JLC sa The Trial ng Star Cinema at dinidirek ni Chito Roño.  Dumalo rin ang mga taga-Entertainment TV ng GMA sa pangunguna ni Officer-In-Charge Lilybeth Rasonable.

Next week ay magsisimula nang mag-taping si Dennis ng bago niyang soap sa GMA 7, ang Hiram na Alaala na bumagay sa kanya ang haircut ng isang sundalo, ang role na kanyang ga­gampanan. Kasama niya sina Kris Bernal, Lauren Young, at Rocco Nacino sa direksyon ni Dominic Zapata. Halos makakasabay ang airing nito at ng documentary series ni Dennis na Sa Puso ni Doc sa GMA 7 din every Saturday.

Sinagot din ni Dennis ang tanong kung totoong nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Hindi raw totoo, pero friends na sila ngayon ni Jen. Hindi raw dahil nag-uusap na sila ng actress, nagkabalikan na sila.

Wish din ni director Mike Tuviera na maipalabas commercially ang The Janitor, pero siguro raw ay may ilang eksenang ipababago ang Movie and Te­levision Review and Classification Board (MTRCB).  Ngayong naipalabas na sa Cinemalaya ang indie film, pwede na nila itong isali sa International film festivals abroad. Wala pang bagong drama series na ginagawa si Direk Mike, pero siya ang nagdidirek ng game show na Quiet Please! Bawal ang Maingay! hosted by Richard Gomez at magsisimula nang mapanood sa TV5 sa Sunday, August 10, 8:00 p.m.

Masaya ring ibinalita ni Director Mike na next month, magsisimula na siyang mag-shooting ng movie ni GMA Primetime Queen Marian Rivera para sa Regal Entertainment.  Pero wala pa siyang maibibigay na details like kung sino ang leading man ni Marian at kung ano ang concept ng story.

CHITO RO

CINEMALAYA X

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIREK MIKE

MARIAN RIVERA

MIKE TUVIERA

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with