Don’t look now but nine year-old Ryzza Mae Dizon has turned negosyante.
Despite her so busy schedule, doing films (at the moment, she’s shooting na for the Metro Manila Filmfest entry, My Big Bossing’s Adventures) and hosting her own TV show, The Ryzza Mae Show and Eat Bulaga, bukod pa nga pala sa nag-aaral pa siya (she’s in grade IV), Ryzza finds time na mapabilang sa mahihilig sa loom band.
At ito nga ang kanyang ipinagbibili. Mga bracelet na gawa niya sa matiyaga niyang paglu-loom band.
Each bracelet sells at 30 pesos. Kapag tatlo ang bracelet na kinuha ng bumili, madalas keep the change na raw.
Kaya, nakapagtubong-lugaw siya ng halagang 10 pesos.
Isa sa avid customers niya ng kanyang loom band bracelet ay ang kanyang paboritong si Marian Rivera.
Part of her earnings sa kanyang business, idinu-donate ni Ryzza Mae sa Isang Papel, Isang Lapis na project ng Eat Bulaga. Na, in turn, ay ibinibili rin ng mga school supplies, na ibinibigay sa mga kapus-palad na batang estudyante.
Kabilang si Ryzza sa mga “wonder kids” ng local showbiz, na nakasama sa Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars.
Sayang lang at ‘di na makakasama ni Ryzza Mae ang kanyang equally young leading man sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Bossing Vic, which, likewise introduces new child actor, Alonzo Muhlach; we are referring of course, to Bimby Aquino-Yap.
Like her, Bimby has his own MMFF entry, The Unbogakable Praybet Benjamin 2 with Vice Ganda and Ser Chief (otherwise known as Richard Yap).
Kahit ang Mommy ni Bimby, si Kris Aquino, na siyang leading-lady ni Bossing Vic sa My Little Bossings na entry nila last year, ay may sariling entry din. Ito ’yung Feng Shui II, na ang katambal naman ni Kris ay si Coco Martin.
‘‘Sabi nga ni Bossing Vic,’’ ani Ryzza Mae, ‘‘wish na lang namin ni Bimby na parehong kumita ang aming mga pelikula.’’
In last year’s MMFF, My Little Bossings was named top-grosser.
Love triangle nina Erich, JC, at Enchong naka B sa CEB
Wow, congrats kina Erich Gonzales, JC de Vera, at Enchong Dee, na mga bida sa Skylight Films movie, Once a Princess, which was given a B-rating by the Cinema Evaluation Board (CEB).
Likewise, to Direk Laurice Guillen, na umaming Once a Princess is her first attempt to direct a movie based on a best-selling book of the same title, authored by Angel Bautista.
And, of course, to the cast and crew.
‘‘I salute my staff in this movie,’’ ani Direk Laurice. ‘‘Pinagaan nila ang aking trabaho, dahil ‘di lang sila magaan na katrabaho. They proved a joy to work with.
Andre hindi na maisabay ang showbiz sa pag-aaral
Sayang at ‘di nakasama si Andre Paras sa cast ng soon-to-be released Skylight and Viva Films movie, Talk Back and You’re Dead.
The film, directed by Andoy Ranay, would have reunited him with his Diary ng Panget co-stars, James Reid, Nadine Lustre at Yassi Pressman.
Si Joseph Marco, na contract talent ng ABS-CBN, replaced him.
‘‘Andre simply had no choice but to beg off from the movie,’’ anang isang Viva Films insider. ‘‘Not only he is busy with a series, The Half Sisters, on GMA 7, nag-aaral pa siya (San Beda College). Bukod sa gusto niyang i-prioritize ang kanyang pagiging varsity player.
Busy din si Joseph with a daily series, Pure Love, aired before TV Patrol on ABS-CBN and co-starring him with Alex Gonzaga, Arjo Atayde, Matt Evans, at Yen Santos.