Ellen de Generes dadalhin sa ‘Pinas
MANILA, Philippines - Naranasan din si Miles Roces, politician and former TV host/film producer, ng mag-middlemen para sa mga international celebrities na gustong dalhin sa bansa ng bagong-tatag na kumpanya na Limitless Ventures kung saan isa siya sa top executives. Isa kasi sa project ng kumpanya ay dalhin sa bansa ang international talk show celebrity na si Ellen de Generes.
Luckily, hindi naman sila nahirapan makipag-ugnayan kay Ellen. Isa ito sa pinagkakaabalahan nila ngayon bukod sa pagdating ng Disney characters na sina Mickey, Minnie, Donald, at Goofy, at 25 pang creation na magtatanghal sa SM MOA Arena sa Sept. 10-14.
“Although this is not officially locked in. We’re still working on it. I was in the U.S. recently and visited the show of Ellen. We were able to get an audience with her production staff. We pitched in for the visit of Ellen in the Philippines,” pahayag ni Miles sa press launch ng bagong kumpanya.
Naging interesado naman daw ang staff ni Ellen. Kung matutuloy, magiging bahagi ang international host ng three-part show na ang last part ay ang pagbisita sa bansa ni Ellen.
Wala pang sinabi si Miles na gagawin si Ellen. Naglalaro palang sa isipan nila na magkaroon ng inspirational talk ang international host.
“But this is nothing official yet. We’re talking to you candidly. This is we’re working on. May big names pa kaming in the works and still working on it. Ayaw muna naming magsalita hanggang hindi pa nasasara. Abangan ninyo. Kayo ang unang makakaalam niyan! Ha! Ha! Ha!” rason pa niya.
Bukod sa pag-aayos sa pagbisita ni Ellen, may projects nang nagawa ang Limitless at isa na rito ang pagpunta sa bansa ng isang member ng Iron Chef, ang paggawa ng TV show na Phil It Up kung saan ipakikita nila ang ganda ng bansa.
Kaugnay naman ng pagdadala nila ng Disney characters sa bagong production ng international outfit na Disney Live Presents Three Classic Fairy Tales, kinumisyon ng Limitless Ventures ang TESDA director na si Joel Villanueva upang kumbisihin ang graduates ng government agency, OFWs, at nagtatrabaho sa call centers na panoorin ang palabas at meron silang discount sa presyo ng tickets.
Gov. Vi ipinagdarasal si AiAi
Balik-trabaho na si Governor Vilma Santos-Recto matapos magluksa sa pagkamatay ng secretary/accountant/confidante na si Aida Fandalian.
Isa nga sa tinext ng Batangas governor ay ang kaibigang si AiAi delas Alas na lumikha ng ingay dahil sa performance niya sa unang indie movie niyang Ronda na nagkaroon ng gala premiere last Sunday. Ipinakita ni AiAi sa Instagram account niya ang bahagi ng text ni Gov. Vilma.
“Gusto lang kitang batiin at ipinagdarasal ko manalo ka kasi sa totoo lang…Magaling kang artista at tao!! Good luck and God bless you my friend!!!! Love you!” with matching icons ng heart at thumbs up.
Ipinagmalaki naman ni AiAi sa IG account niya ang text ng kaibigan.
“’Pag ganito ang text ng isang kaibigan at IDOL MO SA UMAGA NAPAKASARAP NGUMITI – I LOVE YOU ATE VI ANG MAHAL NATING GOBERNADORA NG BATANGAS – SALAMAT SA LAHAT BF SUPORTA AT PAGMAMAHAL MO SA AKIN NOON HANGGANG NGAYUN – GOD BLESS YOU MORE AND MORE.”
- Latest