^

Pang Movies

CCP laging masaya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Laging masaya ang atmosphere sa lobby ng Cultural Center of the Philippines (CCP), lalo na kapag may natapos na pelikulang nag-showing sa main theater.  Kaya nang matapos ang screening ng S6parados, na dinaluhan ng buong cast: Congressman Alfred Vargas, Victor Neri, Ricky Da­vao, Ritz Azul, Anjo Yllana, Erik Santos, except for Jason Abalos na nasa Pinoy Big Brother (PBB) house raw.  Maayos na naipakita ng scriptwriter na si Eric Ramos (na recently lamang, separado na rin pala) ang kuwento ng bawat isang character na story ng six marital breakups, na iba dahil ang mga husband ang nakipaghiwalay sa kani-kanilang asawa.  At humanga kami sa maayos na pagdidirek ni GB Sampedro.  Bale kasi six stories iyon na ipinakita habang ikinakasal sina Ritz at Victor, sa loob lamang ng one hour and thirty minutes.

Si Victor, isang chef na hindi sexually compatible sa wife na si Angel Jacob.  Closet queen si Ricky na after 26 years saka lamang nabisto ni Melissa Mendez na bading ang asawa. Very religious wife si Diana Zubiri na hindi ma-take ni Alfred ang pagkakaroon nito ng other man na isang pari (pero hindi na ipinakilala kung sino ang pari). Isang seaman si Anjo na mas gusto ay mga younger women kaysa naghahanapbuhay na asawang si Sharmaine Arnaiz. Hiniwalayan ni Jason ang asawang drug addict na si Althea Vega.  Battered husband naman si Erik ni Iwa Moto.

Nakatulong kay Direk GB na maging maayos ang shooting dahil pawang mahuhusay ang kanyang mga artista.  Mahusay si Ritz sa kanyang first movie role at umani ng malakas na palakpakan at tawanan si Direk Joel Lamangan sa special participation niya as the barangay chairman na nilapitan ng nag-aaway na sina Erik at Iwa at ang ending niya: “sundan mo ang asawa mo (Iwa to Erik) at sampalin mo siya.”

Inilapit naman sa amin at ilang entertainment press ni Cong. Alfred ang beautiful wife niyang si Yasmin Espiritu at sabi’y kami raw ang tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.  Isa sa mga producers si Alfred pero hindi ito ang first time niya nag-produce ng indie film sa Cinemalaya, nauna na rito ang Colorum at Busong.

Inihandog din ni Alfred ang movie sa namayapang ina na lagi raw siyang ipinagmamalaki kapag may ginagawa siyang pelikula.  Balak ni Alfred mag-produce ng isang mainstream movie at paghahandaan daw niya iyon.

vuukle comment

ALTHEA VEGA

ANGEL JACOB

ANJO YLLANA

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIANA ZUBIRI

DIREK JOEL LAMANGAN

ERIC RAMOS

ERIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with