Mark nakalimutang nag-audition bilang si Marcos

Binigyan ng masayang send-off ng Sunday All Stars last Sunday si Mark Bautista,  ang isa sa kanilang mainstays  ng musical-variety show.  

Isinabay na rin nila ang birthday presentation ng singer-actor who will turn 31 on August 10. May halong lungkot ang pagpapaalam ni Mark dahil mami-miss niya ang mga kasamahan sa show, ang kanilang production numbers na sa palagay daw niya ay makatutulong sa kanyang bagong papasukin work sa London, ang Here Lies Love.  Ito ang musical play about the love life of former First Lady Imelda Marcos and former President Ferdinand Marcos.  Si Mark nga ang gaganap sa role ni former President Marcos.   Nalimutan na raw niya na nag-audition siya for the role at hindi niya in-expect na sa kanya mapupunta iyon dahil marami silang nag-audition noon.

Ngayong August na rin aalis si Mark for London at mananatili siya roon for six months, although sa October 2014 to January 2015 pa ang kanilang performances.  Ang ikinatutuwa ni Mark, tiyak na mapapanood na niya ang musicale na Miss Saigon at kahit papaano ay magkakasama sila ng Kapuso actress-singer na si Rachelle Ann Go na kasalukuyang umaani ng papuri sa pagganap niya bilang Gigi sa Miss Saigon. 

Jillian ‘di nagpatalo kay Mane sa biritan

Humanga kami sa child star na si Jillian Ward dahil lumaban siya ng biritan kay Manilyn Reynes sa pagkanta ng The Greatest Love of All sa Sunday All Stars last Sunday. Ang ganda na talaga ng boses ng nine-year old na si Jillian at sana mabigyan siya ng chance ng GMA Records na magkaroon ng sariling album.

Ayon kay Manilyn, tuwang-tuwa raw sila sa ta­ping nila ng My BFF dahil madalas na kumakanta si Jillian kapag wala silang take.  

Aiko magpu-prodyus ng pelikula para makasama si Jomari

Umani ng papuri ang Cinemalaya X entry ni Director Louie Ignacio na Asintado sa Director’s Showcase Category nang magkaroon ito ng gala premiere sa Cultural Center of the Philippines (CCP) main theater last Saturday.  Bukod sa magandang story na napapanahon, pinuri rin ang acting ng cast, sina Aiko Melendez, Jake Vargas, Miggs Cuaderno, at Gabby Eigenmann, kasama rin sina Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, Jak Roberto, Benjie Felipe.

Sa mahusay na performance ni Aiko, nag-i-expect ba siyang manalo ng best actress trophy sa awards night sa August 10?  Mataas daw ang respeto niya kay Nora Aunor na sabi’y isa sa makakalaban niya kaya hindi niya iniisip na makatanggap ng award. Dahil din dito ay na-inspire raw tuloy siyang mag-produce ng isang indie film na magtatampok sa kanila ni Jomari Yllana, at ididirek ni Rechie del Carmen ng ABS-CBN.

Natanong tuloy si Aiko kung totoo ang balitang nagkabalikan na sila ni Jomari?  Wala raw katotohanan, they are the best of friends at tama na iyong ganoon na lamang sila.  Very close rin ang mga anak nila, ang anak nila ni Jomari, si Andrei (15 years old) at ang anak niyang si Marthena (7 years old) kay Martin Jickain.

 

Show comments