Iyon palang kaso ng change of name ni Julia Barretto at ng kapatid niyang si Claudia ay matagal na, noong nakaraang taon pa pala ang petisyon.
In fact, iyong petition sa parte ni Claudia ay ibinigay na nga ng korte dahil hindi nalaman ni Dennis Padilla na siyang ama ng dalawang bata ang tungkol doon. Hindi niya nalabanan ang petisyon, kaya dahil walang tumutol, mabilis na naipagkaloob ng korte ang hinihiling sa petisyon ni Claudia.
Sa kaso ni Julia na nalaman agad ni Dennis, nakapaghain siya ng oposisyon sa korte na palitan ang pangalan noon, kaya wala pang desisyon ang korte sa kaso.
Pero hindi pa nga masasabing wala nang magagawa, kasi noong isang araw, nag-file naman ng Petition from Relief of Judgement si Dennis sa QC-RTC, at humihinging dinggin muna ng korte ang kanyang panig sa bagay na iyon, kahit na nakapagpalabas na ng desisyon ang korte sa petisyon ni Claudia. Sinabi niyang hindi siya nakapag-file ng objections dahil hindi niya nalaman ang tungkol sa petisyon. Hindi siya napadalhan ng kopya o ng subpoena kaugnay noon. Natapos ang kaso nang hindi niya alam. Hindi kagaya noong kaso ni Julia, na dahil artista nga ay nalaman niya agad kaya nakapag-file siya ng oposisyon sa petisyon noon.
Sinabi rin sa petition ni Dennis na hindi ang kanyang mga anak mismo, na menor de edad pa, ang siyang nag-file ng petisyon kung ‘di ang dating asawang si Marjorie Barretto. Sinasabi niyang ang mga ganoong petisyon ay dapat na gawin kung ang mga bata ay nasa tamang edad na, para sila mismo ang gumawa ng desisyon at magpetisyon sa korte kung gusto talaga nilang alisin at huwag nang gamitin ang apelyido ng kanilang ama.
Sinabi rin niyang wala namang sinabing pagbabago ng legitimate status ng kanyang mga anak, nakakuha man ng annulment ng kanilang kasal ang dating asawang si Marjorie. Sa batas naman talaga, kahit na maideklarang null and void ang kasal, hindi apektado dapat ang legitimacy ng mga anak dahil noong ipanganak sila ay may “presumption of marriage”.
Muling bubuksan ang kaso ni Claudia, at kailangang hintayin na lang natin ang magiging desisyon ng korte sa kaso ng magkapatid na iyan na ayaw nang gamitin ang apelyido ng kanilang ama.
Paolo at Wally pareho ng kapalaran
Usual reason ang sinasabing dahilan ng leakage ng sex video ni Paolo Bediones, nagpa-repair siya ng isang sirang laptop na kung saan nakalagay ang sex video. Kahit na sinasabing sinira na iyon, na-retrieve pa rin iyon ng nag-repair sa memory ng computer. Maraming kasong ganyan, may mga deleted files na may naiiwan pa rin sa memory. Hindi ba ganyan din ang nangyari kay Wally Bayola?
Ibig ding sabihin, matagal na pala ang blackmail kay Paolo, pero hindi niya pinansin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sinampolan siya ng blackmailer. Sinasabi pa noon na “mga sex videos” at kumakalat na ngang hindi lang isa kundi tatlo ang videos na iyan. Nasundan pa iyon ng mga mas masasamang tsismis. Iyon daw ang dahilan kung bakit lumapit na si Paolo sa PNP.
Ngayong lumapit na siya sa PNP, sinabi niyang ang suspect niya ay ang nag-repair ng kanyang laptop, at inilabas pa niya ang sulat ng blackmailer, hindi na niya ngayon masasabing look-alike lamang niya ang nasa video na iyon.