^

Pang Movies

Kaya gumaling sa acting Cris tinakbuhan ng pakakasalang nobyo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masarap kausap si Cris Villonco, isa sa mga apo ni Armida Siguion-Reyna na pinasok na rin ang showbiz, although nagsimula siya sa TV sa Aawitan Kita, then sa stage play na ang last niyang ginawa ay ang Ghost the musicale.

Dito sinabing kaya nagpaka-busy si Cris, dahil ikakasal na lamang siya nang mag-back-out ang boyfriend niya.  May naiwanan daw ring sa kanya ang ex-bf, pero ibinalik din niya.  Later, she met a guy na hindi na raw siya tinantanan kaya happy na ulit ang kanyang love life. 

Pansamantala munang iniwan ni Cris ang stage dahil tinanggap niya ang offer na maging kontrabida sa buhay nina Andrea Torres at Mikael Daez sa afternoon prime ng GMA 7, ang Ang Lihim ni Annasandra.  Matagal na raw niyang gustong makagawa ng drama series, at ito na ang pagkakataon na hi­nintay niya.

Happy si Cris na mayroon na siyang full-length movie ngayon nang i-cast siya ng Tito Carlitos Siguion-Reyna sa entry nito sa Cinemalaya X Directors Showcase, ang Hari ng Tondo.  Sila ng pinsang si Rafa Siguion-Reyna ang gumaganap na mga apo ni Robert Arevalo.  Sa story sanay sila sa buhay nila sa Makati, pero nang maghirap ang kanilang lolo, isinama sila sa Tondo, kung saang lumaki ito para maipakita kung paano dapat lumaban ang tao sa mga hirap ng buhay at maging matatag sila.

Sa August 6 ang gala premiere ng Hari Ng Tondo, 6:15 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Pagbulong ni Rocco kay Nora, pinag-uusapan

Usap-usapan pagkatapos ng press preview ng Hustisya na entry ni Direk Joel Lamangan sa Directors Showcase ng ongoing Cinemalaya X ang last scene ni Ms. Nora Aunor.  More than sa mga mahihirap na eksena ni Ate Guy na pinalakad siya ni Direk Joel sa mga kalye sa Manila, mula Quiapo to Sta. Cruz, to Blumentritt at Delpan area, hindi siya nagreklamo kahit pa sabihin mong mga medyo delikadong lugar ang mga iyon.  Isang probinsyana, si Biring ay pumunta ng Maynila, at kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Like illegal recruitment at human trafficking hanggang sa ikulong siya para maging kapani-paniwala siya na susunod na reyna ng mga illegal activities ng big boss nila played by Jim Pebangco, later on naging murderer na rin siya.  Ayaw sanang gawin ito ni Biring pero nang idadawit na nila ang buhay ng anak at apo niya, played by Sunshine Dizon and Jeric Gonzales respectively, pumayag din siya. Ibang-iba na ang cha­racter ni Biring na makikita sa mga last sequences ng movie at ang final scene na tiyak na pag-uusapan ay nang may ibulong si Rocco Nacino as her lawyer na nagpabago sa kanyang katauhan, at nagtapos ang movie na humahalakhak lamang si Ate Guy.

 

AAWITAN KITA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ATE GUY

BIRING

CINEMALAYA X

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with