MANILA, Philippines - Nakiusap kahapon si Kris Aquino, na nagsalita para sa kanilang pamilya sa paggunita ng fifth anniversary ni President Cory Aquino sa Manila Memorial Park, na tulungan silang magdasal para sa kanyang kuyang si Pres. Noynoy na binibira dahil sa isyu ng DAP.
“Gusto ko hong engganyuhin lahat ng mga gusto ‘yung trabaho niya, gustong ipagpatuloy ang magandang ginagawa niya, bigyan natin siya ng lakas. He can’t do it on his own, we need to stand by him, and give him strength. And please pray with us also that he stays alive. Hindi, kasi parang gusto naming talaga na good health, wisdom, strength, courage and yes, the fortitude to last,” bahagi ng speech ni Kris kahapon.
Maging ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby ay ipinagdarasal din daw ang kanilang tito na naunang sinabi ni Kris na binibigyan ng oras ang kanyang mga anak.
Dinagdag pa niya sa kanyang prayer kahapon na : “Please guide Noy, give him strength. Bigyan n’yo siya ng inspirasyon, palakasin n’yo siya at sana ‘yung mga naniniwala sa kanya, iparamdam sa kanya araw-araw na hindi siya nag-iisa.”
Bago ito ay maraming nag-speculate noong Lunes na may karamdaman ang pangulo lalo na nga’t may mga pahayag itong: “Kontento na po ako dahil panatag ang kalooban ko, na kung ako po’y mawala na dito, marami pong magpapatuloy ng ating tinahak na. Baka iyon lang po ang papel —-umpisahan ito.
“Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung sabi nga noong bata kami, ‘finished or not finished, pass your paper’ eh dumating na sa akin, palagay ko naman, naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan ng bawat Pilipinong mangyari, at bahala kayong ituloy ito.”