Vice walang simpatya sa raliyistang mahihirap, todo ang pagtatanggol sa asawang si Kris

MANILA, Philippines - Hinagupit ng mga netizens ang komento ni Vice Ganda tungkol sa mga raliyistang dumagsa sa State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino. Hindi naman daw lahat ng nag-rally ay kusang-loob na pumunta para makisama. Bayaran diumano ang ilan sa mga ‘yon.

Pero kahit binatikos sa komento, pinaninindigan pa rin ni Vice ang kanyang sinabi. Siyempre nga naman, “asawa” ang turingan nila ni Kris Aquino kaya naman kailangan niyang depensahan ang kaibigan, huh!

Mas makikinabang nga naman siya kay Kris kesa sa mga raliyistang bumatikos kay P-Noy, ‘di ba?

 

Dahil kainggitan, Nico Antonio hindi na gumawa nang maraming indie

Umiwas na si Nico Antonio na gumawa ng indie mo­vie para sa Cinemalaya X this year. Sa short film na Eyeball na lang siya mapapanood at hindi na sa entries kahit sa Director’s Showcase or New Breed Category.

 “Eh, nireklamo nila ako last year eh. Ang dami ko raw pelikula kaya isa na lang ngayon,” katwiran ni Nico nang aming makausap sa pocket interview ng short film. Dagdag pa niya, “’Yung mga artistang maraming pelikula, hindi nila nirereklamo, ako, ni­rek­lamo nila. Nakakatawa lang. Ser­yoso ‘yon!” saad pa ng aktor na hindi nagsabi kung sino ang mga taong ‘yon.

Dalawang cameo roles at dalawang supporting roles ang ginawa niya last year. Isinali siya sa Extra ni Governor Vilma Santos-Recto dahil once in a lifetime ang oportunidad na ‘yon.

 “Nakakatawa nga eh,” rason pa niya.

Sa short film na Eyeball, isang araw lang ang ginugol niya para tapusin ang movie. Isa siyang ku­pal na chickboy ang fee­l­ing. Nakabuti naman kay Nico ‘yon dahil nakasentro ang atensyon niya sa pag­­gawa ng Dyesebel. Next year kasi, tatalikuran muna panandali ng aktor ang showbiz dahil kailangan niyang mag-concentrate sa Bar exams. Tapos ng kursong abugasya si Nico na binuno niya kahit nag-aartista siya.

 

Angeli ayaw nang bumili sa tindahan matapos manalo sa Urian

Bidang-bida na si Angeli Bayani sa indie movie na Bwaya na sinulat at idinirek ni Francis Xavier Pasion at isa sa mapapanood sa Cine­malaya X. Dati-rati ay suporta lang siya sa mga indie film pero nang umingay ang name niya dahil tinalo niya sina Nora Aunor, Vilma Santos, at iba pa para sa performance niya sa pelikulang Norte, pangbida na ang byuti niyang talaga, huh!

Sa international scene, maingay ang name ni Angeli dahil sa pelikulang Iloilo. Na-recognize rin ang performance niya sa Cannes Film Festival.

Sa Bwaya, naranasan niyang makatrabaho ang grupo ng mga Manobo sa Agusan. Ina­kala niyang mahihirapan siyang makisama sa kanila habang nananatili sa village nila.

“Napaka-open nila. Nagulat ako kasi ang ini-expect ko, sa totoo lang, dahil first time naming mag-shoot ng pelikula doon, ‘yung hindi sila…Hindi naman sa hindi welcome.

“’Yung hindi sila komportable sa presence namin. Ang nangyari ay in-embrace nila talaga kami. Sila mismo ang magsasabing, ‘Ano po ang kailangan ninyo?’” pahayag ni Angeli.

May alam naman daw ang mga katutubo roon na pelikula ang ginagawa nila. Napanood nga siya ng mga tao roon sa GMA series na Niño, huh!

 “Pero before that, nu’ng una naming punta roon, hindi pa umeere ang Niño. So wala pa silang idea kung ano kami. Tapos, biglang sabi ng isa…Ano ba ‘to? ‘Yung Babaylan ba ito? ‘Ma’m, ma’am, sa Niño po ba kayo? Nakakaloka! Ha! Ha! Ha!” chika niya.

Teka, ano ba ang nagbago ng nanalo siya sa Gawad Urian?

 “Naku, hindi ko pa nararamdaman ‘yan. Parang…Actually, parang normal lang naman. Ang…Kung meron mang nagbago, mas on the home front. Kasi nakakatawa rin! Ha! Ha! Ha!” sey ni Angeli.

Dahil nga raw sa award niyang ‘yon, nahihiya na siyang pumunta sa tindahan na malapit sa kanila komo nga nakilala na siya ng tindera!

Tinataya ni Direk Francis na malaki ang chance ni Angeli na maging best actress sa Cinemalaya, pero hindi siya umaasang maiiuwi niya ang tropeyo dahil mahigpit ang mga katunggali niya.

Show comments