^

Pang Movies

Alden wala nang kalaban!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Puwede nang solohin ni Alden Richards ang titulong Primetime Prince ng GMA ngayong waiting pa ang lahat sa magiging aksyon ng GMA Network at ng korte sa inihaing pagsasawalang-bisa ng kontrata ni Aljur Abrenica.

Take note na sa mga artistang lalaki ng Kapuso, tanging sina Aljur at Alden lamang ang hindi nabibigyan ng supporting roles sa project na nagawa na, huh! Kahit lumabas man sila sa afternoon shows noon ng network, mas lamang ang pagpapalabas ng programa nila sa gabi.

Una mang nabigyan ng break si Aljur, hindi naman nagpapahuli si Alden. In fact, ipinareha na siya sa Primetime Queen na si Marian Rivera sa Carmela. Hindi tuloy makapaglabas ng deklarasyon ang network kung sino kina Aljur at Alden ang tunay na prinsipe sa primetime programs, huh!

Siyempre, kung may Primetime King sa katauhan ni Dingdong Dantes, dapat lang na may prince.  Wait muna natin ang hakbang ng GMA sa reklamo ni Aljur and then, saka na nating iproklama si Alden!

Sad to say pero mas magaling talagang umarte si Alden kaysa kay Aljur na muling pinatunayan ng una sa Magpakailanman episode last Saturday.

Hindi nga lang namin alam kung matutuloy pa ang dalawa sa plinanong movie na Cain At Abel. March, na napabalitang sisimulan ito. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nasisimulan ang project ng dalawa.

We heard na script daw ang problema sa pelikula. Hangga’t wala pang go signal sa final script, nakatengga pa rin ito. Aba, baka mawala na si Aljur ‘pag nagsimula na ito, huh!

Jose at Wally naipit sa trapik

Biktima ng matinding traffic sa NLEX nu’ng Sabado sina Jose Manalo at Wally Bayola na nag-show sa Thunderbird Casino sa San Fernando, La Union dahil sa 100 years celebration ng Iglesia ni Cristo (INC) sa bagong gawa nitong Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan.

Sabado pa lang kasi ay grabe ang dumagsa na member ng INC na pagdating sa parte ng Marilao, nag-counter flow na ang mga sasakyan sa hi-way na hindi kabilang sa dadalo.

Inabot tuloy ng alas dose ng hatinggabi ang biyahe nina Jose at Wally. Hindi naman problema sa management ‘yon ng casino dahil sa mabigat na traffic at galing pa ang dalawa sa Laguna para sa Juan for All! All for Juan segment nila sa Eat Bulaga.

‘Yung pabalik ng Maynila ay hindi na nahirapan ang dalawa dahil magaan-gaan na ang traffic.

Take note na dahil sa laki ng stadium na ipinagawa ng INC, dalawang bagong Guinness records ang naitala nila, ang World’s Largest Theater at Largest Gospel Choir ayon sa mga reports. Bale walo na ang hawak nilang Guinness records.

Sayang at hindi na natuloy ang pagsasapelikula ng Sugo na bahagi sana ng selebrasyon ng INC. Kung milyon ang dumagsa sa anibersaryo nila, malamang na super, super box-office hit din ‘yon dahil kilala sa masunurin ang mga members nila, huh!

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CAIN AT ABEL

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

JOSE MANALO

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with