Rap nalason sa Germany!
MANILA, Philippines - Nalason daw si Rap Fernandez, panganay na anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez sa Germany ayon sa post niya sa kanyang Facebook account. Walang inilagay na detalye ang aktor kung ‘di pictures lang ng kamay niya at isa pang hindi namin mawari kung ano.
Nagpunta sa Germany sina Ralph at kapatid na si Renz para samahan si Lorna na magpa-stem cell. Join din si Manay Lolit dahil nga ito ang second treatment nila ni LT ng stem cell na continuous dapat ang treatment upang mabuo ang procedure.
Kahit bata pa sina Rap at Renz, sumang-ayon na rin sa gusto ng ina ang dalawa para nga naman pagbalik nila ay fully recharged sila. Sumabak na ulit si LT sa My Destiny sa pagbabalik-’Pinas habang si Renz ay nasa cast ng remake ng tearjerker na Yagit ng GMA.
Rocco at Lovi matagal NA RAW may relasyon bago pa ang ‘Paris trip’
Nag-react ang isang showbiz personality sa naging pahayag ni Rocco Nacino na sa Paris, France lang niya nakuha ang “oo” ng girlfriend na si Lovi Poe.
Ayon sa aming informer, naghahalikan na raw ang dalawa tuwing dumadalaw sa set si Rocco sa isang movie na ginagawa ni Lovi. Hindi naman kasi simpleng beso lang ang nakita ng aming source na lambingan ng dalawa. Halik ng may relasyon ang ginagawa ng dalawa, huh!
Kung lihim na lihim at walang pag-amin mula sa dalawa nu’ng ginagawa pa nila ang Sa Akin pa rin ang Bukas, at least, kapwa na sila umamin sa pagkakaroon nila ng relasyon para naman maiba ang mga tanong sa kanila ngayon, huh!
Ryan hindi makalimutan ang papuri ni MVP kay Juday
Hinding-hindi makalimutan ni Ryan Agoncillo ang dayalog sa kanya ng TV5 honcho na si Manny V. Pangilinan nang ianunsyo niya noon ang pagiging engaged nila ni Judy Ann Santos. Hindi pa regular host ng TV shows ang host-actor nang batiin siya ni MVP sa pagpili niya kay Juday nu’ng kunin siyang (Ryan) host sa event ng isa sa kumpanya ng negosyante. He chose well daw talaga.
“You know who told me that? Mr. Pangilinan. Mister Manny Pangilinan. I couldn’t…I’ve never forget that first time. Parang…Pagkatapos kong mag-propose kay Juday, so we went on a trip.
“Pagbalik namin, one of my first job was to host a…An event for one of the companies of MVP. It’s a first time I met him in person at hindi pa niya nabibili ang Channel 5 noon. Wala pa, wala pang kuneksyon. He probably read it in the papers.
“As I introduced him to make a speech, ahhh, umakyat siya sa stage, kinamayan ko siya, inabot ko ang mic sa kanya, he congratulated me for…It took three seconds off. Congratulated me on my engagement. ‘You chose well!’
“Tapos, napaisip ako. Kung sa tingin niya I chose well, baka nga okey, huh! Ha! Ha! Ha! Now, I still remember his words and yeah, I agree! Ha! Ha! Ha! I’m happy I made that choice!
“Ako naman, on my end I really try to make Judy Ann feel na hindi ako lugi eh. Hangga’t maaari sana, ayoko siyang lugi! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Ryan nang aming pasyalan sa taping ng GMA sitcom niyang Ismol Family.
As we all know, matatag pa rin ang relasyon nila ni Juday kahit na nga patuloy pa rin ang tsismis sa relasyon nilang ginagawan ng lamat.
Direk Joey nagalit sa aktor na nambugbog ng taxi driver
Hindi rin nagustuhan ni Direk Joey Reyes ‘yung pagkakasangkot ng isang member ng Juan Direction sa isang taxi na sinakyan niya diumano at binugbog ng huli dahil walang pambayad sa halagang almost seventy eight pesos lang, huh!
Eh alam naman ng lahat na prangka si Direk Joey. Wala siyang keber na magbigay ng komento ‘pag alam niyang nasa tama siya. Isa nga siya sa nagkomento na ikundena ang hazing to think na professor siya sa De La Salle College na parte rin ng College of St. Benilde.
Prangka man ang director, sweet-sweet-an naman siya sa bagong movie niyang Somebody to Love ng Regal Entertainment. Isa na namang ensemble cast ang bida ng movie na sina Carla Abellana, Matteo Guidicelli, Iza Calzado, Jason Abalos, Isabelle Daza, Kiray Celis, at iba pa. Ang universal theme na pag-ibig ang konsepto ng movie kung saan sala-salabat ang mga characters pero nagagawa niyang magtagpu-tagpo ito nang maganda.
Ilan nga sa movies na ginawa niya na maraming characters na nagagawa niyang pagbuklud-buklurin sa kuwento ay ang Working Girls, Makati Avenue, Radio Romance at iba pa.
“This one, parang tribute ko kay (Ishmael) Bernal. Lalo na ang mga bata ngayon, nakalimutan na sina (Lino) Brocka at Bernal. But everything we do now is inspired by Brocka and Bernal,” rason ni Direk Joey nang aming makausap sa bahay ni Mother Lily.
- Latest