Petition for confirmation o rescission ng kanyang kontrata sa GMA Network Inc., ang kaso na inihain kahapon ni Aljur Abrenica sa Prosecutors Office ng Quezon City Regional Trial Court.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa aksyon ni Aljur laban sa Kapuso Network dahil nagpaimbita siya ng mga reporter para i-cover ang pagsasampa niya ng kaso.
Sinabi ni Aljur sa mga interbyu na isinampa niya ang nasa-bing petition dahil hindi tugma sa kanyang mga career plan ang mga plano sa kanya ng GMA 7.
Hanggang sa 2017 ang kontrata ni Aljur sa Kapuso Network at a-yon sa kanya, hindi siya nakikipag-away at tumatanaw siya ng utang na loob sa Kapuso Network.
Dahil sa pagsasampa niya ng petition, sa ayaw at sa gusto ni Aljur, nagkaroon na ng lamat ang magandang relasyon nila ng TV station na nagpasikat sa kanya.
Ma at pa naman ang sagot ko sa mga nagtatanong sa network na lilipatan ni Aljur.
Basta ang alam ko, mahigpit ang kontrata ng GMA 7 sa kanilang contract stars.
In fairness sa GMA 7, hindi sila nawawalan ng mga project para kay Aljur.
Hindi malinaw sa akin kung nakipag-usap si Aljur sa management ng GMA 7 bago siya nag-file kahapon ng petition.
Sa totoo lang, kinaiinggitan si Aljur ng ibang mga contract star ng GMA 7 dahil alagang-alaga siya ng network.
I’m sure, may mas malalim na dahilan kaya naisip ni Aljur na hingin ang tulong ng korte para mapawalang-bisa ang kontrata niya sa TV network na malaki ang kontribusyon para magkaroon siya ng name sa showbiz.
Huwag masyadong pahalata na guilty sa blind items!
Natuwa ako nang malaman ko na marami rin ang nagbabasa sa PM (Pang Masa) dahil super-react ang mga artista na nasusulat sa entertainment section ng inyong favorite tabloid.
Heto na ang nakakaloka na parte, kahit blind item ang pagkakasulat, super react ang mga artista at ang kanilang mga kamag-anak.
Napaghahalata tuloy na sila ang guilty party dahil sa mga emote nila. Paano naman sila nakatiyak na sila nga ang subject ng mga blind item sa PM?
Sa mga artista at kamag-anak nila na react nang react, mag-isip muna ng maraming beses bago mag-emote dahil baka hindi kayo ang tinutukoy ng mga blind item’no! Huwag masyadong magpahalata na guilty kayo!
Pagtutuwid sa pagkamatay ni Aida
Mali ang report na dalawang linggong na-confine sa ospital si Aida Fandialan bago siya binawian ng buhay.
Si Aida ang trusted secretary ni Batangas Governor Vilma Santos na sumakabilang-buhay noong Linggo, July 20 dahil sa stroke.
Saturday afternoon ng July 19 nang ma-stroke si Aida at isinugod sa ospital. Pumanaw siya kinabukasan, Linggo, ang araw na dumating si Mama Vi at ang mister nito na si Senator Ralph Recto mula sa London.
Dinamdam at dinaramdam nang husto ni Mama Vi ang pagpanaw ni Aida na inihatid kahapon sa huling hantungan.
Itinutuwid ko lang ang maling report na matagal na naratay sa ospital si Aida bago ito binawian ng buhay. More than 39-years na ang friendship nina Mama Vi at Aida. Twenty-one years old pa lang si Mama Vi nang magsimula ang pagkakaibigan nila ng kanyang trusted aide.