Alessandra, ’di mapaamin sa relasyon nila ni Sid

MANILA, Philippines - Walang sinasabi o inaamin si Alessandra de Rossi sa relasyon niya kay Sid Lucero.  Para sa kanya kasi, masyado itong personal at pinapangalagaan niya ang kanyang privacy.

Kaya pabayaan na lang natin si Alessandra.

Kris may natitira pang pagmamahal kay James?!

Dahil sa balitang pupunta o nagpunta na sa Europe ngayon sina James Yap at Mic (Michela Cazzola) para doon i-celebrate ang grand slam title ng PBA at highest pointer pa si James, medyo nagselos daw si Kris Aquino dahil dito. 

Alam niyang may selebrasyong mangyayari dahil sa victory ni James pero hindi siya ready na aabot pa sa Europe ang dalawa. Sa kailaliman ng puso niya, may natitira pa kaya siyang pagmamahal sa dating asawa? ‘Pag nakikita nga niya ‘yung mga pictures ni James at Michela sa Facebook nagseselos na raw siya, ‘yon pang magha-honeymoon ang dalawa sa Europe?

Show comments