Marian lalambitin sa tela habang nagsasayaw

MANILA, Philippines - Hindi naman naapektuhan nang todo si Marian Rivera at lola niya sa Cavite sa kasagsagan ng bagyong Glenda nu’ng Miyerkules. Maayos naman daw sila roon dahil hindi sila natumbok ng sentro ng bagyo.

Sa text sa amin ni Marian, meron na naman siyang bagong endorsement na ilu-launch next year. Aba, ayaw niyang patalbog sa mga mabebentang artista na pinuputakti ng endorsements, huh! For sure, malaking tulong din ang pagkakahirang sa kanya bilang Sexiest Woman this 2014 sa ikatlong pagkakataon, kaya nagkakandakumahog ang mga kumpanyang gusto siyang kunin bilang endorser, huh!

Ang konsentrasyon ngayon ni Marian ay ang dance musical niyang Marian. Nag-aaral siya ng air dance kung saan humahataw siya na tela lang ang gamit, huh!

“Ang hirap! Ha! Ha! Ha!” text ni Yan Yan sa amin.

Tanong tuloy namin, hindi pa ba siya nababalian sa ginagawa niyang pagpapakahirap sa mga sayaw na inilalabas sa dance show niya?

“Naku, ang sakit palagi ng katawan ko! Tiis-ganda na lang. Ha! Ha! Ha! Salamat! See you soon!” saad sa amin ni Marian sa text.

Alden tigang na sa babae, zero pa sa regular show

Binayo naman ng bagyong Glenda ang lugar ni Alden Ri­chards sa Sta. Rosa, Laguna nu’ng Miyerkules. Safe naman daw siya ayon sa text niya sa amin kahapon.

“Okey naman po kami, Tito Jun. Sa lugar namin, nawalan po ng kuryente ng 2:00 a.m. kahapon tapos nagkaroon din naman po agad ng 8 p.m. last night.

“Naharangan po ‘yung mga main roads dito ng mga tumumba pong puno pero nag-start na po ng clearing operations simula po kahapon,” text pa sa amin ni Alden.

Hindi na nga lang nag-text back sa amin si Alden nang a­ming kumustahin kung nagsimula na sila ng movie nila ni Aljur Abrenica. Wala pa rin kaming nababalitaan na bago niyang series after Carmela.

Mabuti na lang, recharged na recharged na ngayon si Alden lalo na’t nakapagbakasyon din siya sa Amerika nang mahigit sa dalawang linggo.  Hindi naman kasi siya mareklamong artista na kahit tigang na sa babae ay nganga pa rin sa regular show, huh!

Carla at Tom magpapasaya sa Vietnam

Bibida na naman ang ilang Kapuso Stars na sina Tom Rodriguez, Jonalyn Viray, at Carla Abellana sa ikalawang Vietnam Star Tour ngayong buwang ito. Proyekto ng GMA Worldwide, Inc. ang Vietnam Star Tour na namamahala sa syndication ng mga programa at pelikula sa ibang bansa, at ng International Media JS Company (IMC), isa sa mga nangu­ngunang multimedia groups sa Viet­nam na tagapagtaguyod ng Today TV.

Sa pagpunta ng tatlo sa Vietnam kahapon, magbibigay sina Tom at Jonalyn ng kani-kanyang number para sa IMC anniversary party habang host naman si Carla ng isang segment ng programa.

Nakilala sina Carla at Tom nang ipalabas doon ang kanilang My Husband’s Lover.

Ilang araw lang magtatagal sa Vietnam nina Carla at Tom dahil baka mata­rayan sila ni Direk Joyce Bernal, director nila sa My Destiny, kung hahabaan pa nila ang kanilang biyahe, huh!

Fifth umaming puwede sa lalaki at babae

Hindi Solomon ang gamit na surname ng kambal na Fourth at Fifth sa Pinoy Big Brother All in. Sa unang pagpapakilala sa dalawa, wala silang apelyidong ginagamit.

Pero sa website ng ABS-SBN, gamit na ni Fifth sa write-up ang surname na Pagotan. Wala nga lang justification kung kanilang apelyido ‘yon.

Subalit ang ikinabilib ng marami ay ang pag-amin ni Fifth na isa siyang bisexual. Puwede sa babae at lalaki kung ‘yan ang ibig sabihin ng salita.

Ayon sa pahayag ni Fifth kay Kuya, pagod na raw kasi siya sa pagpapaliwanag ng kanyang sexual preference. Kaya naman sinabi na niya kung ano ang tunay niyang katauhan.

After Rustom Padilla (na ngayong ay BB Gandanghari na) na umamin din na bading siya sa isang edisyon ng PBB, si Fifth ang ikalawang housemate na malakas ang loob na ipahayag sa buong mundo ang tunay niyang nararamdaman!

Feeling namin, hindi naman mababawasan ang pagkatao ni Fifth sa inamin niya. Eh ‘yung iba nga riyan, buking na buking na pero sarado pa rin ang bibig, huh! For sure, kilala mo sila, Salve A! Ha! Ha! Ha!

 

Show comments