MANILA, Philippines - Tinawanan lang ni Daniel Padilla ang intriga sa wig niyang suot sa movie nila ni Kathryn Bernardo na She’s Dating the Gangster. Mukha raw siyang albularyo sa wig niya, huh!
“Para lang magkaroon ng issue! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Daniel sa The Buzz last Sunday.
Ibinuking nga ni Toni Gonzaga sa dalawa na para pala kina Kim Chui at Gerald Anderson ang movie. Taong 2005 nasa Star Cinema ang librong ‘yon kung saan galing ang pelikula.
Eh, hindi naman apektado sina Daniel at Kathryn kung second choice sila. Tutal naman, naranasan nilang maidirek ni Cathy Garcia-Molina sa nasabing movie.
Isa pang direktor may nakaambang demanda, P20 milyon din ang dinispalko
Kalat na rin pala sa showbiz ang nakaambang demanda ng isang producer laban sa isang director. Ang balitang nakarating sa amin, P20M diumano ang datung na ipinagkatiwala ng producer sa director para sa isang project.
Eh, hindi raw diumano naka-deliver ang director kaya mapipilitan siyang asuntuhin ng produ, huh!
Aba, nagkakasunud-sunod ang asunto sa mga director, huh! Nauna na rito si Direk Dante Garcia. Nadawit pa nga si Judy Ann Santos sa isyung siya ang nagbinigay ng milyones upang makapagpiyansa ang kaibigang director, huh!
Eh, at least ‘yung isang director at line producer ng isang movie, “partners in crime” lang sila sa nakukumbinsing producers para mag-finance ng project. Nakaka-deliver naman ang dalawa kahit flop sa takilya ang movies na natatapos nila.
Tom at Carla tuloy ang pagti-trending
Wala pa ring humpay ang pagpapakilig ng GMA Primetime series na My Destiny nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Simula nang umere ito last July 30, hindi ito nawawala sa worldwide trending list at hindi nagpapahuli ang official hashtags ng programa.
Maging sa social media gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram ay parami nang parami ang followers ng programa. Swak na swak kasi sa panlasa ng manonood at netizens ang nakakabiting eksena nina Carla at Tom.
‘Yun nga lang, kung kilig na kilig ang manonood kina Tom at Carla, tiyak na mami-miss naman nila ang performance ni Lorna Tolentino. Nagpunta kasi sa Germany ang aktres kasama ang mga anak na sina Rap at Renz Fernandez upang magpa-stem cell.
Bahagi kasi ng on-going treatment kay LT ang pagbabalik sa Germany na unang nagpa-treatment last year. Pagbalik ni Lorna, punum-puno na naman siya ng energy sa pagti-taping ng programa.
Mga small time talent nagigipit na rin sa BIR
Sakop ang mga self-employed individuals pati ang mga talents sa BIR Revenue Regulation No. 4-2014. Required na kasing mag-issue ng official receipt ang mga talents na lumalabas sa programa pati na ang ilang taong sumusuweldo sa isang network.
Sa isang memorandum na inilabas ng isang network, epektibo ang pagbibigay ng OR ng mga talents nu’ng July 10. ‘Yung mga talents na idinidiretso sa bank account nila ang suweldo ay kailangang magbigay ng opisyal na resibo, limang araw matapos ma-credit ang kanilang account.
‘Yung hindi makakapag-issue ng receipt sa buwang ito ay magiging dahilan upang masuspinde ang talent contract nila simula sa August 1, 2014 hanggang hindi nakakasunod sa requirement ng BIR regulation.