Imbiyerna ang isang female starlet sa bading na director ng kanyang katatapos lamang na indie film dahil nalaman niya na gusto raw nitong ahasin ang boylet niya.
Kasa-kasama ni female starlet parati sa set ng kanyang indie film ang kanyang boylet. Palibahasa’y guwapo at macho kaya lahat ng bading sa set ay type siya.
Pero may respeto sila kay female starlet kaya hindi na sila nagtangkang kausapin ito. Basta pag-aari ni starlet ay off-limits sila.
Pero ang director mismo ang walang takot at ginetsing pa nito ang cell number ng bagets noong nagbihis sa loob ng CR ang female starlet.
Simula noon ay panay na ang pangungulit ng director sa bagets hanggang sa sabihin na ni bagets kay starlet ang mga imbitasyon nito.
Noong una ay tinalakan ni starlet ang bagets dahil sa pagbigay nito ng kanyang number. Naging magalang lang daw ito dahil sa kanya raw ite-text ang location ng susunod na shooting ni starlet. ‘Yun pala ay kukulitin lang siya nito.
Kaya noong magkita sila sa shooting ng director, agad na bumula ang bibig ni starlet sa pagtalak dito dahil sa tangkang pag-ahas nito sa kanyang boylet.
Pero kahit na nagkaroon ng hindi magandang eksena ang starlet at director, tuloy pa rin ang pagtrabaho nila sa isa’t isa dahil kailangan nilang tapusin ang pelikula.
Sey ni starlet ay professional siya at hindi niya pababayaan ang trabaho niya. Pero hindi rin daw niya pababayaan na maagaw ang boylet niya dahil malaki na raw ang emotional at financial investment niya rito kaya lagot ang may magtangkang agawin ito sa kanya.
Pancho ayaw magkaroon ng tiyan
Tuloy pa rin daw ang panliligaw ni Pancho Magno kay Max Collins. Pero sa sobrang busy ni Max, hindi sila madalas na magkita.
“Nandiyan naman ang social media kaya madali rin kaming nakakapagkumustahan.
“She’s very busy right now. May ginagawa siyang movie sa Doha, Qatar. Ako rin naman busy din. After Kambal Sirena, nagsimula na kami ng Ang Lihim ni Annasandra with Andrea Torres and Mikael Daez.
“First time ko to work with Andrea pero with Mikael, sa Amaya pa kami nagkasama,” kuwento pa ni Pancho.
Hindi pa alam ni Pancho kung ang role rin ba niya ay aswang tulad ni Andrea.
“Kapag nabigay na ‘yung script, doon ko pa lang malalaman. Ngayon ay sinabi pa lang sa amin na love triangle kaming tatlo.”
Makakasama ulit si Pancho sa magaganap na Bench underwear fashion show sa taong ito. Kaya ngayon pa lang ay kinukondisyon na niya ang katawan niya.
“Hindi lang kasi Bench, meron din Cosmo Bachelors. Tapos endorser din ako ng Bench underwear. Kaya kailangan parating maayos ang katawan natin. Bawal ang magkaroon ng tiyan!” tawa pa niya.
“Kahit dito sa bagong teleserye, kailangan daw kita ang abs ko. Kaya ang training at diet ko ay tuluy-tuloy lang.”
Tracy idinemanda na ang Walmart
Naka-recover na ang Hollywood comedian na si Tracy Morgan mula sa aksidente na muntik na niyang ikasawi.
Nagtamo ng multiple fractures si Morgan mula sa aksidente na naganap sa New Jersey turnpike last June. Nabangga ng isang truck na pag-aari ng Walmart ang sinasakyan niyang limo bus.
Dahil sa aksidente na iyon, nasawi ang kanyang kaibigan at muntik nang ma-amputate ang kanyang isang binti.
Ngayon ay ligtas na siya, nag-file agad si Tracy ng lawsuit laban sa Walmart dahil sa pagpayag nila na magmaneho ang kanilang driver na si Kevin Roper kahit na sobrang pagod ito sa pagmaneho for more than 24 hours.
Sa lawsuit ni Tracy, nakalagay doon na ang “severe painful bodily injuries, including but not limited to multiple fractures which required multiple surgeries, extensive medical treatment, and will require significant physical rehabilitation.”
Nabanggit din sa lawsuit ang pag-drive ni Roper ng 65 sa 45 MPH zone kaya nawalan ito ng control at rumagasa ito sa limo bus na sakay si Morgan at ang kanyang kaibigan na dead on the spot.
Na-release na sa ospital si Morgan pero kailangan pa niyang dumaan sa physical rehabilitation.
Heto ang naging sagot ng Walmart sa lawsuit ng comedian: “As we’ve said, we’re cooperating fully in the ongoing investigation. We know it will take some time to resolve all of the remaining issues as a result of the accident, but we’re committed to doing the right thing for all involved.”