Kathryn sobrang proud kay Daniel
Inamin ni Kathryn Bernardo na sobrang proud siya kay Daniel Padilla dahil noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz ay nakita niya kung paano ito nag-grow as a person.
‘‘Hindi lang siya artista kundi naging concert artist pa,’’ aniya.
Hanga rin ang young actress sa pagiging dedicated ng kapareha sa She’s Dating The Gangster sa trabaho.
Tinanong din si Kat kung may pagka-gangster ba si Daniel?
‘‘Halo ang pagiging gangster niya at pagiging wholesome. Mabait si Daniel na maangas.’’
Ayon naman sa box office director na si Cathy Garcia Molina masaya sa set nung ginagawa nila ang pelikula dahil puro mga bata ang kanyang mga bituin kaya feeling bagets din siya.
Palabas na ang She’s Dating the Gangster sa July 16 mula sa Star Cinema.
Piolo tatanggap ng FPJ Award
Bongga ang magiging pagdiriwang ngayon ng FAMAS dahil bukod sa mga bituin na dadalo ay may piling panauhin mula sa iba’t ibang sector ng lipunan sa gaganaping awards night.
Ang mga tatanggap ng FAMAS Special awards ng German Moreno Youth Achievement Award: Julia Barretto, Ken Chan, Janine Gutierrez, Hiro Peralta, Jerome Ponce at James Reid; FAMAS Gawad Award: Jeorge Ejercito Estregan: Fernando Poe Jr. Memorial Award: Piolo Pascual; Arturo Padua Memorial Award: Boy Abunda; Dr. Jose Perez Memorial Award: Mario Dumaual; Exemplary Award for Public Service: Engineer Felizardo Jun Sevilla Jr; Excellence Award in Criminal Justice PAO Jail Visitation Team/Legal Medical-Dental Mission: Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta: Presidential Award: Tzu Chi Foundation; Chairman Ronnie Ricketts; Anti Film Piracy Achievement Award at 2014 Advocacy Film: Filemon Mamon.
- Latest