^

Pang Movies

Female TV host lumobo na agad ang ulo kaya nilayasan ng mga katrabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakaka-turn off ang ugali ngayon ng female TV host na ito dahil masyado na raw lumaki ang ulo nito.

Lahat ng mga taong dating may concern noon ay wala na sa kanya dahil sa biglang pag-iba ng ugali nito.

Kung noon daw ay panay ang pasalamat nito sa mga taong nagdadamit sa kanya, ngayon ay parang may utang na loob ka pa sa kanya kapag sinuot ang mga damit niya.

Ang dating naaaliw sa kanya na stylist ay umalis na sa female TV host dahil hindi na nito matagalan ang biglang pag-iiba ng ugali. Hindi na mukhang sosyal ang female TV host ngayon dahil wala na ang stylist na nagpapaganda sa kanya.

Kaya ang mga suot na ni female TV host ay ang mga sarili niyang damit at sapatos.

Nung umalis ang stylist ay umalis din ang nagme-make-up at nag-aayos ng buhok ni female TV host. Nagtiis lang daw ang mga ito dahil sa stylist na kaibigan nila. Kaya noong umalis ito, umalis na rin sila.

Ngayon nga raw ay balik sa sariling pag-make-up at pag-ayos ng buhok niya si female TV host. Yaman din lang at kuripot siya sa pagbayad sa mga dating nag-aayos sa kanya, siya na nga lang ang umasikaso sa sarili niya.

At lately naman daw ay nag-request ito ng sarili niyang dressing room. Ayaw kasi ni female TV host na may ka-share sa dressing room. Ayaw din nito na may maingay at mga nagpapa-picture sa kanya na fans.

Pero hindi mapagbigyan ang gusto nito dahil puno ang lahat ng dressing rooms. Lahat daw ay nagse-share ng mga dressing rooms kaya matuto na lang siyang makisama.

Kahit never pang naghubad, Eula Caballero pasok sa listahan ng mga seksi

Hindi lang si Alice Dixson ang taga-TV5 na nakapasok sa Top 100 list of Sexiest Women ng FHM Philippines.

Nakasama rin ang mga TV5 princesses na sina Ritz Azul at Eula Caballero.

Napatunayan ni Ritz na isa siya sa mga desirable young actresses ngayon at naipakita na niya ‘yan sa kanyang mga teleserye na Misibis Bay at For Love or Money. Naging FHM cover girl din si Ritz noong 2012.

Nasa #22 si Ritz kumpara last year na nasa #28 siya. Kinabog nga niya sa rank sina Ehra Madrigal, Ryza Cenon, Yam Concepcion, Sunshine Cruz, at Angelica Panganiban.

Si Eula naman ay nasa #57 at first time nga niyang mapasama sa FHM 100. Never pang nagiging cover girl si Eula ng FHM at wala pa siyang project na nagpa-sexy siya. Kaya malaking achievement ito para sa kanyang wholesome image.

Na-outranked nga ni Eula sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Carla Abellana, Andi Eigenmann, at Rhian Ramos.

Hollywood actor, Shia LeBeouf gusgusin na nga kinasuhan pa

Voluntarily na humingi na ng professional help ang troubled Hollywood actor na si Shia LeBeouf.

Kelan lang ay napabalitang naaresto ang 28-year old actor dahil sa kanyang panggugulo sa loob ng isang theatre sa Broadway kung saan nagtatanghal ng Cabaret.

May alcohol addiction ang aktor kaya kung anu-anong kakaibang behavior ang kanyang pinapakita sa publiko.

Ngayon ay tanggap na ng aktor ang kanyang addiction kaya humingi na ito ng tulong.

“Shia LaBeouf has not checked into a rehabilitation facility but he is voluntarily receiving treatment for alcohol addiction.

 “He understands that these recent actions are a symptom of a larger health problem and he has taken the first of many necessary steps towards recovery,” sey pa sa report ng Access Hollywood.

Kinasuhan sa New York si Shia for harassment, disorderly conduct, and criminal trespassing pagkatapos niyang manggulo sa Broadway performance ng Cabaret sa Studio 54.

Nakita rin siyang nakikipagsagutan at hinahabol ang isang homeless man dahil sa isang baseball cap.

Gusgusin ang hitsura ni Shia sa suot niyang blue T-shirt na may malaking butas sa may balikat.

Haharap ang aktor sa korte in New York on July 24.

ACCESS HOLLYWOOD

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

ANGELICA PANGANIBAN

DAHIL

EULA CABALLERO

KAYA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with