MANILA, Philippines - Matagal na ring loveless ang Kapamilya heartthrob na si Sam Milby kaya aminado itong nalulungkot na siya sa pagiging single at walang girlfriend. Last na nakarelasyon niya sa showbiz ay si Anne Curtis at na-link rin siya kina Shaina Magdayao at Jessy Mendiola
“Yes, lalo na ngayon, 30 na ako. Para sa akin, ‘yung ideal age para magkapamilya at mag-asawa, mid-30s, 35. ‘Yun ‘yung saktong age. But, ‘di ko alam kung bakit 30 lang ako, mas excited na ako, lalo na magkaroon ng anak. If I find the right girl right now, I’ll be ready,” sey ng napakaguwapong si Sam.
Pero kahit loveless, sa ibang bagay ibinubuhos ni Sam ang kanyang oras dahil naniniwala siyang darating ang right girl para sa kanya at the right time.
“Even though, personally, parang ready na ako, excited na ako, it’s still in God’s time. I just pray about it. ‘Pag nagka-girlfriend ako, nakatutok talaga,” sagot ni Sam.
Hindi ba siya natatagalan na sa pagdating ng kanyang hinahanap na special girl sa kanyang buhay?
“Naiinip ako, inip na ako. Pero paglilinaw ng Kapamilya actor, hindi naman porke’t single siya ay hindi na siya nakikipag-date. “(I’m) dating naman,” sabi niya.
Pero ayaw daw niyang pumasok sa isang relasyon para masabi lang na may girlfriend na siya.
“(I’m) taking my time. Like I said, 30 na ako, so kahit paano, mas picky na ako. Alam ko kung ano ang gusto ko. And kung ‘di ko nararamdaman na mai-in love ako, kung hindi ko nararamdaman na mai-in love ako, ‘Ito, parang puwede ito, pero hindi ko masyadong nararamdaman. Parang I’ll actually stop vis-à-vis na paasahin ‘yung babae,” paliwanag pa nito.
And this time, kapag may natipuhan daw siya especially kung taga-showbiz ay hindi na raw siya magiging vocal dito para hindi maudlot ang kanyang love life.
“Ako, mas quiet ako hangga’t (maging) kami na. Kasi, parang naging speculations lagi ‘pag umaamin ako o may paghanga ako sa babaeng ito or nililigawan ko, ‘tapos ‘pag ‘di nag-work out, parang, ‘Ano na naman ito?’ They will get the wrong idea, the wrong impression. For me, quiet na lang. When the day comes na kami na, puwede naman (aminin). Huwag na lang muna (ngayon),” pahayag ni Sam.