Kahit pa raw ang mga anak niya ang magsabi kay Ruffa Gutierrez na magbalikan na sila ng ama nilang si Yilmaz Bektas, hindi na raw mangyayari iyon. Kinakausap pa rin naman daw niya ang dating husband, tulad nang nakiusap sina Lorin at Venice na gusto nilang makausap ang kanilang ama. Tinawagan daw niya si Yilmaz at gusto lamang niyang malaman kung alive pa ito dahil gustong makausap ng mga anak nila. Ibinigay daw niya ang number nila sa bahay at nang finally naka-contact si Yilmaz, wala raw naman siya at si Richard ang nakausap nito at saka nakausap ang mga anak nila. Thirty minutes daw nag-usap ang mag-aama, at nalaman niyang umiyak ang dalawang bata.
“I have to talk to them and I will explain what’s really happening,” sabi ni Ruffa. “Mababait ang mga anak ko at alam kong maiintindihan nila ako. And I have to talk to Yilmaz para malaman niyang his kids are growing up na at kailangan nila ang suporta niya. Simula noon until now, wala naman siyang ipinadadalang kahit anong financial support sa mga anak niya. Pupunta kami nina Lorin at Venice next week sa Bohol, doon kami magba-bonding na mag-iina, at doon ko sila kakausapin.”
Biniro si Ruffa ng mga kausap na entertainment press tungkol sa suitor niyang si Jordan Mouyal, na idini-deny niyang boyfriend na niya. Text mates na raw lamang sila dahil bumalik na sa kanila sa Paris si Jordan. Aliw daw siya nang marinig niyang nag-uusap in French sina Sarah (Lahbati) at Jordan, at marami raw nalaman si Sarah tungkol sa suitor niya. Pero sa kanila na raw lamang dalawa iyon ni Sarah.
Miguel para talagang naninigas ang mga kamay
Maraming humahanga sa tween star na si Miguel Tanfelix sa husay niyang umarte bilang isang 15-year old with a mind of a 7-year old sa inspirational drama series na Niño ng GMA 7. Inamin ng young actor na kumuha siya ng inspiration sa panonood niya kay Sean Penn sa I Am Sam. Pero kapag nagti-taping daw sila, kinalilimutan muna niyang he’s a 15-year old but a 7-year old boy.
Sa school niya sa Cavite, School of Life, may SPED (Special Education) classes siya kaya bumibisita roon para makakuha ng galaw ng mga special students. Tulad ng kahit anong eksenang gawin niya sa Niño, hindi mo makikitang nababago ang galaw ng kanyang mga daliri na parang naninigas.
Happy si Miguel na kapag nakikita na siya sa labas, ang tawag na sa kanya ng mga tao ay Niño, dati raw kasi ang tawag pa rin sa kanya, kahit naging teenager na siya, ay Pagaspas, ang character niya sa telefantasyang Mulawin. Nag-promise rin si Miguel sa mga kausap niyang entertainment press na hindi lalaki ang ulo niya dahil napakaganda ng ibinigay na project sa kanya ng GMA.
Dati raw ang wish lamang niya, ay magkaroon ng regular project, pero ngayon, isang project na lead role na siya, title role pa.
Ang Niño na idinidirek ni Maryo J. delos Reyes at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. Meron ding sitcom si Miguel sa GMA 7, ang Ismol Family na kabaligtaran ng role niya sa Niño.