MANILA, Philippines - Noong Lunes (Hunyo 30) ay nagsimula na ang pinakabagong Primetime drama series ng Kapuso Network na My Destiny. Bukod sa pagbabalik-tambalan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, kaabang-abang din ang mga karakter nina Rhian Ramos, Sid Lucero, at Ms. Lorna Tolentino.
Kaya naman agad na bumuhos ang suporta at papuri sa programa sa social networking sites. Mula sa pilot episode nito hanggang ngayon ay trending pa rin Worldwide at sa Pilipinas ang My Destiny. Bukod sa husay ng direktor na si Bb. Joyce Bernal, hindi rin pinalampas ng mga netizens ang drama at kilig na hatid ng My Destiny.
Narito ang ilan sa mga comments sa Instagram, Twitter, at Facebook:
The cream of the crop..2 of the most beautiful and well-educated artists of GMA… No one is at par at Carla Abellana. She is beautiful inside and out, very smart and talented. -@catlenemabazza
Nakakakilig silang dalawa @carlaangeline @akosimangtomas.. :))) Can’t wait to watch it tonight.. -@annemags23
Kakilig! I’m not a fan of teleserye but I got hooked on this one #mydestiny #FirstKissFromMyDestint ^_^ -@iamsminchn