Aktor P8 million ang binabayaran sa BIR buwan-buwan

MANILA, Philippines - Nakakalula pala ang buwan-buwan na binabayaran sa tax ng isang sikat na aktor. Tumataginting na P8M kada buwan ang iniri-report na income ng aktor sa BIR, huh!

Eh, posible namang mangyari dahil hindi lang isa ang kanyang regular show. Tapos, kaliwa’t kanan pa ang kanyang mga endorsements!

Balita namin, tutok sa kanyang finances ang sikat na aktor. Hindi siya ‘yung tipo ng ibang artista na ipinauubaya sa manager at sa accountant ang mga kinikita. Nakasuhan na ng BIR ang nasabing aktor at umabot pa sa Supreme Court ang apela niya.

Masasabi ngang model taxpayer ang aktor na tahimik lang sa kayamanan niya at nananatiling simple pa rin ang buhay kahit milyones ang kinikita, huh!

Julian tuloy ang pagtuturo ng sayaw kahit ‘di kumikita

Breakeven lang daw ang kinikita ng dance studio na itinayo ng teen actor na si Julian Trono. Pero ipinagpapatuloy pa rin niya ‘yung pagtuturo ng sayaw sa mga kabataan upang maibahagi ang kaalaman niya.

Ang pagiging graceful sa pagsasayaw ang naging pasaporte ni Julian upang makapasok sa showbiz. ‘Yun nga lang, gusto naman niyang pagbutihin ang kanyang pag-arte dahil meron naman na siyang napatunayan sa pagsasayaw.

Kaya naman kahit suporta lang ang role niya sa Niño, mas binibigyan niya ito ng focus dahil naniniwala siyang walang maliit na role.

Kung suporta lang ang role ni Julian sa GMA series, mas palaban ang mga eksena niya sa indie movie na Ronda kung saan anak ni AiAi delas Alas ang role niya.

“Sobrang answered prayer din ‘yung kay Miss AiAi. Awkward man ang age ko, hindi ko iti-take na barricade ‘yon sa gusto kong gawin. Kasi lahat kami dumaan,” sey niya.

Kumusta ang experience makatrabaho si AiAi?

“Sobrang fun na fun din talaga. Kasi ‘nu’ng first scene ko…Kasi ipinakilala ako sa kanya ni Direk Nick Olanka. Sobrang bait niya. As in, hindi ko naramdaman na we came from different networks! Walang ganoon. Sobrang professional si Miss AiAi. Comedy siya, ‘di ba? Pero sa Ronda, sobrang different siya!” pagmamalaki ni Julian.

Male singer nagmamaldita ‘pag nakakasabay ang singer-actress

Madalas daw umiral ang ka­mal­ditahan ng isang male singer sa prog­ra­mang kinabibilangan niya. Palibahasa nagkaroon na ng pangalan kaya naman may instances na he’s thro­wing his weight around sa oras ng show, huh!

Imbyernang-imbyerna ang singer kapag nabibigyan ng mas maraming exposures sa show ang sikat na singer-actress. Hindi raw niya feel ‘yung ganoong sitwasyon na nababale-wala ang lahat kapag guest sa show ang singer-actress.

Feeling naman ng staff, bihirang mag-guest sa show ang singer-actress kaya naman sinasamantala nila ang presence nito tuwing libre. After all, maga­ling naman ang singer-actress at malawak ang kanyang following, huh!

So ‘pag nagmamarakulyo na ang male singer dahil sa presence ng singer-actress, dedma na lang ang staff sa kanya, ‘no?

 

Show comments