Naka-upload sa isang porn site ang mga eksena ng na-shelved na sexy movie ni Sunshine Cruz na Dukot Queen.
Sa naturang porn site, 17 minutes of raw film footage ang naka-upload. Makikita na iba’t ibang anggulo ng mga eksena ni Sunshine at Jay Manalo ang kinukunan.
Topless si Sunshine sa buong 17 minutes ng raw footage na ito habang kaeksena niya si Jay sa isang very explicit na scene.
Ginawa ni Sunshine ang pelikulang ito noong hindi pa niya nakikilala ang kanyang estranged husband ngayon na si Cesar Montano.
Sunud-sunod ang naging sexy movies ni Sunshine noon tulad ng Virgin People 2, Lihim ni Madonna, Ang Kabit ni Mrs. Montero, at Ekis.
Hindi tinapos ni Sunshine ang Dukot Queen noong 1999 dahil pinatigil na siya ni Cesar na gumawa ng mga sexy movies kasi nga magpapakasal na sila. Ikinasal sila noong year 2000.
Sa pagkakaalam namin ay binili ni Cesar ang mga raw footages ng unfi-nished movie na ito ni Sunshine bago sila ikasal. Gusto niyang makasiguro na walang lalabas na anumang mga eksena nito.
Pero noong 2002, may mga lumabas na maiigsing eksena ng Dukot Queen at naisalin pa ito sa VCD kasama ng iba pang mga sexy scenes mula sa iba’t ibang mga pelikula.
Hindi namin alam kung itinuloy ni Cesar ang pagdemanda sa isang post-production company dahil dito nanggaling ang mga raw footages ng Dukot Queen.
Ngayon ay naka-upload na ito sa isang public porn site. Kung magreklamo man si Sunshine, mahihirapang alamin kung sino ang may hawak ng kopya ng mga raw footages nito at kung sino ang nag-upload nito sa naturang porn site.
Gab isinuko ang ‘pansamantalang kasikatan’ para sa pangarap
Nag-backout na si Gab Valenciano sa kanyang pag-pursue na manalo sa America’s Got Talent.
Nabalita noong nakaraang April na nag-audition si Gab sa 9th season ng America’s Got Talent.
Nakapasa si Gab pero nakapagdesisyon nga ito na hindi na niya itutuloy ang pagsali rito.
“Whenever people ask me, ‘Did you actually make it?’ I actually did pero ‘yun nga, when we got deeper into it, me, my mom and my dad, we all talked about it and we all realized na parang in show business, especially in reality TV, parang you’re not reassured na you will make it unlike getting into a business where ito talaga ‘yung ginawa ko.
“I love making music, I love making videos. I realized I want to do this for a living.
“What I went there for is music production and video production. I had to choose if I wanted my 30 seconds of fame or if I wanted something that would last my whole career.”
Ibubuhos na lang daw ni Gab ang kanyang efforts sa pagtayo ng isang media company.
“I am actually putting up my own media company which is going to be based in the States and basically it’s going to be all video and music content.
“We are going to be a team of five people that are going to be shooting, recording--all of these things. It’s something na ito talaga ‘yung pinuntahan ko sa States. I studied for it. I graduated already. So I’m really excited for that.”
May mga nagsabi na magiging mala-king tulong sana, para sa media company niya kung itinuloy niya ang pagsali sa America’s Got Talent.
“At the end of the day, I have to think long term. I went to the States for this reason. I’m not going to get distracted for something else. It would have been a great opportunity to be seen and exposed, pero I have to think of my entire career in the U.S.”
Namana sa ama anak ni ‘Iron Man’ naaadik din sa cocaine
Out on bail na ang 20-year old son ng Iron Man star at isa sa Forbes 100 Celebrity List na si Robert Downey, Jr.
Inaresto si Indio Falconer Downey habang nagmamaneho ito sa West Hollywood dahil sa cocaine possession at drug paraphernalia.
Pagkatapos na maaresto on felony charge, pinakawalan siya on bail sa halagang $10,250.
Tulad ng kanyang famous dad, nag-struggle rin si Robert Downey, Jr. sa addiction nito sa drugs and alcohol. Naaresto rin at nakulong si Robert dahil sa kanyang hindi magandang bisyo.
Pero noong 2001 ay binago ni Robert ang kanyang buhay. Pumasok siya sa isang rehab facility at iniwasan na totally ang droga at alak.
Ngayon ay isa na sa mga box-office superstars si Robert dahil sa Iron Man franchise.
“Unfortunately there’s a genetic component to addiction and Indio has likely inherited it.
“Also, there is a lot of family support and understanding, and we’re all determined to rally behind him and help him become the man he’s capable of being.
“We’re grateful to the Sheriff’s department for their intervention, and believe Indio can be another recovery success story instead of a cautionary tale,” pahayag pa ni Robert sa E!