Gutz… ginagawang case study ng NBC
Proud na kuwento ni Ruffa Gutierrez kahapon sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show daw nila ang most-watched sa E! Asia. Bukod sa mataas na ratings na nakukuha nito every Sunday night, sobrang dami raw ng commercials load kaya naman maiko-consider na big success talaga ang programa.
“There was a clamor for more Filipinos to watch our show. Saan daw mapapanood, gusto nilang mapanood sa probinsiya, gusto nilang mapanood abroad.
“So, the partnership with TV5 is timely kasi mapapanood na nila sa free TV sa buong Pilipinas and at the same time, mapapanood na nila sa TV5 International,” she said.
Tuwang-tuwa namang kwento ni Raymond Gutierrez na dahil sobrang successful ng show nila, ginawa raw itong case study sa NBC Universal meetings.
“So, in London and Los Angeles, the show has become a case study na “we took a chance on this family, we experimented on Asia and it became a huge success.” So ngayon, nagiging case study na ‘yung show namin and ginagawa siyang example na “hey, why don’t we take a chance?” kasi this project worked. So now, they might do a K-pop reality show, so ngayon, baka mas maganda na ‘yung format,” pahayag ni Raymond.
Magsisimula na ngayong Saturday, July 5, 7:00 p.m. ang pilot episode sa TV5 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez at sa Sunday naman ay ieere na ang finale episode ng first season sa E! Channel.
Kumpirmado na ring may second season at kasalukuyan na nga raw pinag-uusapan nila ang mga detalye. Ang nakakatuwang ibinalita ng magkakapatid, baka raw ma-meet nila ang Kardashian Family ng sikat ding reality show na Keeping Up with the Kardashians.
Say ni Ruffa, dream daw niya ‘yun at gustung-gusto niyang ma-meet si Kim Kardashian.
“Gusto ko silang ma-meet kasi ‘di ba, I’m very curious kung paano lumaki ang empire nila bilang reality show stars. And siyempre, kahit marami silang bashers, sikat na sikat na sila ngayon.
“Si Kim Kardashians is one of the top 100 in the Forbes list. So, they must have done something right para maging cover siya ng Vogue and you know, para maging no. 80 siya in Forbes. She even beat Meryll Streeps and Nathalie Portman. So, parang gusto ko siyang ma-meet. I’m curious, alam ko she’s only 4’11, parang 5’1”? She’s really tiny. So, gusto ko lang siyang ma-meet and I just want to get to know her. Sana, mabait siya,” say ni Ruffa.
Say ni Raymond, siyempre, hindi maiwasang maikumpara sila sa Kardashians at say niya, kasisimula pa lang daw nila.
“Wala naman kaming laban sa kanila pero it’s very admirable kung ano ‘yung nagawa rin nila sa opportunity na ibinigay sa kanila ng E!” say ni Raymond.
Ayaw pang ibulgar nina Raymond and Ruffa kung may arrangement na bang nagaganap sa meeting nila ng Kardashians family at say nila, let’s see na lang daw.
Problema ng nanay ni Sarah plinantsa na ni Richard
Samantala, natanong naman si Richard kung okay na sila ng nanay ni Sarah Lahbati at aniya, okay na raw ang lahat.
“Okay naman. Okay na. Sarah spent time with her the other day. Okay naman. I can say na better pero we still have to work on something.”
Hindi naman itinanggi ni Chard na na-shock silang lahat nang mag-post ang nanay ni Sarah ng mga hinaing o tampo nito pagkatapos ng birthday at binyag ni Zion pero instantly naman daw ay inayos agad ito ng girlfriend at kinausap ang ina.
How about his mom and Sarah’s mom, okay na rin ba sila?
Si Tita Annabelle ang sumagot sa tanong.
“Wala naman akong kaaway. Hindi kailangang maging okay dahil wala akong kaaway, day,” say ni Tita Annabelle.
Say naman ni Chard, naging emosyonal lang daw siguro ang nanay ni Sarah that time and unfortunately, sa halip na sabihin sa kanila ay ipinost agad sa social media.
“So, it got out of proportion. After that, kinausap namin siya and ngayon, okay na. Feeling ko, hindi rin niya ine-expect na ganu’n ang mangyayari. I think, now, she knows better.”
- Latest