James panay ang pasasalamat sa biglaan nilang pagsikat ni Nadine

Simula noong sumikat ulit ang pangalan ni James Reid dahil sa blockbuster hit movie na Diary ng Panget, wala na ngang naging pahinga ang former winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash Edition.

Halos every week ay may pinupuntahan siyang iba’t ibang lugar para mag-perform kasama sila Nadine Lustre, Yassi Pressman, at Andre Paras.

Mas magiging busy si James sa mga susunod pang araw dahil naghahanda na nga sila para sa Diary ng Panget: Live In Concert sa Skydome ng SM City North EDSA on July 11. Pagkatapos nito ay sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino ang next concert nila on July 18. Produced ito ng Viva Live.

“Yeah, we’ll be having two concerts this month. One here in Metro Manila and one in Cebu. We have a big fan-base in Cebu so we’re excited to be there to perform for our fans.

“This is our way of thanking the many people who supported our movie. It’s pretty overwhelming because many are still talking about it and telling us how much they love the movie,” pahayag pa ni James.

First time nga na gagawa ng malaking concert si James kaya naman daw puspusan ang kanyang pag-rehearse kasama ang cast ng DNP.

“I love singing and performing in front of many people but this is something different. It’s bigger and the people are going to expect a really good show.

“Nadine and I will be singing our duet No Erase because the fans love singing it with us. I will also be singing songs from my self-titled album under Viva Records. I have a fast song titled Natataranta. The music video has been playing non-stop over at MTV Pinoy.”

Dahil sa newfound fame ni James, naging in-demand na siya na mag-perform sa mga company parties at nagkaroon pa siya ng malalaking endorsements.

Laking pasasalamat nga niya sa love team nila ni Nadine na JaDine kaya tinatamasa niya ang mga blessings na ito.

“I never thought that something like this would never ever happen to me.

“But things got better and now the blessings are coming in. If not for the JaDine team-up, none of this would have happen.

Magtatambal nga ulit sila ni Nadine sa pelikulang Talk Back and You’re Dead na hango sa isang best-selling novel sa Wattpad na isinulat ni Alesana Marie.

May August play date na raw ito kaya after daw ng kanilang dalawang concert ay sasabak na sila sa shooting ng movie.

Tickets to the Diary ng Panget Live In Concert are now available from SM Tickets at 470-2222; Viva Live at 687-7236; Waterfront Cebu City Hotel and Casino at 232-6888, local 8724; Ayala Center Cebu at 231-5342 local 324; and SM City Cebu at 233-0445. 

Tickets are priced at: P750 each for Skydome; and P1,000 Level 1 and P400 Level 2 at the Waterfront.

 

Sid sumumpang hindi na magiging pabaya sa trabaho

Nangako si Sid Lucero na hindi na siya muling magpapabaya sa kanyang trabaho dahil kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang baby girl na si Halo Eve.

Inamin ni Sid na marami siyang nagawang hindi maganda kaya matagal siyang hindi nabigyan ng malaking project sa GMA 7.

“It was so selfish of me to not consider that before. Now that I’m okay, I promise that nothing like that will ever happen again.

“Nakakahiya kasi. Ayoko nang gawin ulit iyon dahil may mga taong nagtatrabaho ng maayos na nadadamay dahil sa mga nagawa ko before,” diin ni Sid.

Nakabawi si Sid nang gawin niya ang mini-series na Katipunan, Wagas at ang teleserye na Magkano ba ang Pag-ibig? Ngayon ay kasama siya sa bagong primetime series na My Destiny.

Makakatrabaho niya ang ex-girlfriend ng kanyang pinsang si Geoff Eigenmann na si Carla Abellana.

 

Kid rapper sinuwerte nakasungkit ng malaking record deal

Masuwerte ang 15-year old kid rapper na si Chris Miles dahil sa kanyang rap audition para sa America’s Got Talent na kumalat sa Internet, nabigyan siya ng isang malaking record deal.

Pinapirma si Chris sa Warner/Chappell pagkatapos siyang mapanood sa naturang video. Sa kanyang kontrata, gagawa siya ng limang albums na siya ang magsusulat at magri-record ng kanyang rap songs.

Nabigyan na si Chris ng advance na $182,500 para sa kanyang unang album.

Kapag naging successful ang limang albums na gagawin ni Chris, kikita siya ng higit sa $1.5 million plus royalties.

Show comments