Anak ni Phoemela na si Nichole walang paki sa ama

Mabuti na lang at ‘di na-evict last Sunday ang iyaking si Fifth, kakambal ni Fourth, from among the nominees (for eviction) sa five boarders ni Kuya, in the current edition of Pinoy Big Brother (PBB) All in.

Kung hindi, baka bumaha ng luha habang lumalabas siya sa bahay ni Kuya pabalik ng outside world.

Katuwiran nga kasi niya, ‘di pa natutupad ang hangarin niyang maging, as close as can be sila ni Fourth. Bagama’t prior to the announcement ng evicted housemate, sinabi ni Fourth na kung anong lungkot ang naramdaman niya, ganun din siya lalo’t kapag na-evict na nga si Fifth.

As we all know by now, ang naging evictee ay ang 15-year old na anak ni Phoemela Baranda na si Nichole, who happens to be her spitting image.

True ang sinabi ni Phoemela, na sa mga ‘‘ikinumpisal’’ ni Nichole kay Kuya ay marami siyang nalaman tungkol sa how her daughter really feels about her.

It is common knowledge that Nichole only knew that Phoemela was her mom, when her grandma (Mom ni Phoemela) died. Pinalaki siya ng kanyang lola sa paniniwalang magkapatid sila ni Phoemela.

Kay Kuya at sa kanyang mga fellow boarders, inamin niyang wala siyang ideya kung sino ang kanyang ama. Bagama’t sinasabi niyang hindi niya ito nami-miss, dahil nga nandiyan ang kanyang mommy.

O, ‘di ba, pang episode ng popular drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ang buhay ng mag-inang Phoemela at Nicole, with the two of them playing their respective roles? MMK, now airing for more than two decades and hosted by ABS-CBN President and CEO, Charo Santos-Concio.

Alex nagulat sa rebelasyon ni Vice!

Nagulat si Alex Gonzaga, when she guested sa programang Gandang Gabi Vice (GGV) when host, Vice Ganda told her he is happy again.

As she said, noong bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya at nawala sa sirkulasyon, kumbaga, for nearly two months, ‘‘lumuluha si Vice Ganda sa kanyang Ate Toni (Gonzaga) at kabi-break nga lang nito sa kanyang cager-boyfriend.”

Nangangahulugan ba itong may ‘‘bago’’ na siya? tanong ni Alex kay Vice.

Vice Ganda refused to answer but merely beamed.

Inside nga pala Kuya’s house, naging mag-best friend sina Alex at Michelle (Gumabao), ace volleyball player and daughter ng nagbabalik-showbiz na si Dennis Roldan.

Now a full-fledged Pastor, Dennis is in the cast of GMA 7’s My Destiny.

Younger brother ni Michelle ang sumisikat na young star na si Marco Gumabao.

Twenty one year-old Michelle would want to follow the footsteps of her dad and brother. At kapag naging artista na rin nga siya, magiging frequent ang bonding nila ni Alex.

In last Sunday’s GGV, sinamahan si Alex ng kanyang tatlong leading men sa upcoming series, Pure Love, na sina Arjo Atayde, Joseph Marco, at Matt Evans.

 

Show comments