MANILA, Philippines - Hayan, lumabas na ang teaser ng She’s Dating the Gangster na bagong movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. May kilig factor naman ang napanood naming teaser pero malaking advantage ang idirek sila ni Cathy Garcia-Molina na humubog sa paging box-office actor ni John Lloyd Cruz, huh!
‘Yun nga lang, nakakapanibago ang mahabang wig na suot ni Daniel. Throwback na throwback ang dating niya.
Kaya lang huwag intrigahin si Daniel sa bago niyang look, huh! Naintriga na kasi ang young actor na mukhang tomboy si Daniel sa style ng buhok niya.
Tigilan ang ganyang intriga kay Daniel kung ayaw ninyong matikman ang hagupit ng nanay niyang si Karla Estrada, huh! Ha! Ha! Ha!
‘Bagong’ Anna Luna walang planong magpa-seksi
Speaking of throwback, aba, talaga namang throwback na throwback ang name ng lalabas na loyal friend ni Alex Gonzaga sa Pure Love, huh! Siya ay walang iba kundi si Anna Luna.
May dating program noon na Anna Luna at aminado ang aktres na sa drama series kinuha ang pangalan niya. Ipinagmamalaki naman ng staff ng Pure Love na winner ng best supporting actress si Anna sa isang movie na nakasali sa Cinema One Originals.
Eh, ‘di ba, meron ding bold star noon na Anna Luna rin ang name? Tugon ni Anna rito, “Wala ho akong planong mag-bold! Ha! Ha! Ha!”
Ang Pure Love ang kapalit ng Mirabella na adaptation ng Koreanovela na 49 Days.
‘Di tulad ni Erik, Jed minamani lang ang mga pambabaeng kanta
Ang galing-galing kumanta ni Jed Madella kahit pambabae ang binabanatan niya gaya sa ASAP kahapon na Celine Dion medley ang ipinarinig nila. Sakto ang kanyang matinis at mataas na boses na effortless, huh!
‘Yun ang pinagkaiba ni Jed kay Erik Santos. ‘Pag pambabae ang kanta, kailangan pang baguhin ang arego upang tumama sa timpla ng boses ni Erik.
Pero si Jed, wow! Bongga! Babae man o lalaki ang original na kumanta, sisiw lang kay Jed ‘yon na kahit malusog ay lalamunin nang todo ang kasabayan niya, huh!
Ayaw nang paawat!
AiAi naka-schedule na ang pakikipaglampungan kay Cesar
Totoo ang balitang gagawa naman ng mainstream movie si AiAi delas Alas matapos niyang subukan ang art film sa unang indie movie niyang Ronda para sa Cinemalaya.
Naidaos na ang storycon ng movie ni AiAi kung saan makakasama niya ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim. October ang target na playdate ng movie.
Eh, tungkol naman sa Ronda ni AiAi, this week na kukunan (Huwebes ba?) ang sex scene nila ni Cesar Montano. Dapat ay June 24 ito isu-shoot pero nagkasakit ang aktor kaya nakansela ang schedule.
Mapangahas at totodo si AiAi sa una niyang love scene sa pelikula. “Bahala na kung magkasalatan basta sa ikagaganda lang ng art film ko! Ha! Ha! Ha!” say ni AiAi sa amin thru text.
Siyanga pala, magkakaroon din ng show together sina AiAi at Rico Puno this month sa Solaire Resorts & Casino.