Na-miss na rin ni Richard Gutierrez ang pagho-host sa Sunday All Stars nang mag-guest sila ni Lauren Young ng first movie team-up nila, ang suspense-thriller na Overtime for GMA Films.
Naalaala raw niya nang madalas siyang mag-co-host with his twin brother Raymond sa Sunday noontime variety show. Iyon din ang nasabi ni Richard sa presscon ng kanyang movie, na na-miss din niya ang acting dahil ang last pa niyang drama series sa GMA 7 ay ang Love & Lies months ago. Kuwento pa ni Richard, first time niyang nakaganap ng isang bida-kontrabida role sa movie na dinirek nina Wincy Ong at Earl Ignacio. Fast-paced daw ang movie at may pagka-dark ang character niya. Hinangaan din niya ang kanyang bagong leading lady dahil napakahusay nito sa role na ginampanan.
Sa July 2 na mapapanood ang Overtime in theaters nationwide at kasama rin sa cast sina Roi Vinzon, Mitch Valdes, Renz Valerio, Bearwin Meily, Rodfil, at may special participation sina William Martinez, Yayo Aguila, Edwin Reyes, Ruby Ruiz, Franceska Farr, and Elle Ramirez.
Natanong namin si Richard kung may mga plano na ba siya for Baby Zion? Napalitan na ba ng Gutierrez ang Lahbati surname ni Baby Zion?
“Meron na, ipinagbukas ko na siya ng savings account. May mga nagpaparamdam nang gusto nilang kunin sa TV commercial si Zion, pero pag-uusapan pa namin iyon ni Sarah at kami ang magdi-decide kung tatanggapin namin.
“Hindi pa namin naayos ang Gutierrez surname ni Zion dahil sa Switzerland, kung hindi pa kasal ang parents ng bata, ang surname ng nanay ang dadalhin niya. Pero we are thinking of a triple citizenship for Zion, kung pwede iyon, Swiss (dahil sa Switzerland isinilang si Zion), American (U.S. citizen siya), at Filipino.”
May konting gusot daw ang family niya at ang mommy ni Sarah?
“Case of misunderstanding lamang iyon, pero kinausap na namin ni Sarah si Tita Esther na doon na siya tumira sa amin sa Dasmariñas Village house namin para lagi niyang kasama si Sarah at si Zion, pero nahihiya raw siya. Anumang problema sa family, aayusin namin iyon ni Sarah, gusto namin, mga positive things lamang for Zion.”
Ano ang showbiz plan ngayon ni Richard? Mas gusto pa rin daw ni Richard na maging freelancer muna siya. May offer daw sa kanya ang Star Cinema na movie, pero kailangan muna niyang tapusin ang isa pang movie na nasa contract niya sa GMA Films. Ganoon din sa TV, open siya sa offer, if may magandang project for a teleserye na hindi niya matatanggihan, tatanggapin niya. May nag-suggest kay Richard na hingin niya ang remake ng Korean telenovela na paborito ng lahat ng mga televiewers, na nagtala ng mataas na rating sa GMA 7, ang A Love From the Star na sa tingin niya ay bagay sa kanila ni Sarah. Bagay sa kanya ang role ni Matteo Do na isang alien na nabubuhay na ng 400 years para lamang maalagaan ang pinakamamahal niya. Bagay daw naman kay Sarah ang role ng actress na si Steffi Cheon na hindi pa nakaranas ma-in love.