Isang certified Noranian nga ang TV and film director na si Bb. Joyce Bernal at kabilang siya sa mga nalungkot na hindi ito pinagkalooban ng National Artist Award para sa taong ito.
Bilang isang filmmaker, hanga nga si Direk Joyce sa body of work ni Nora Aunor at iyon daw sana ang naging basehan at hindi kung ano pa na walang kinalaman sa pagiging artist nito sa Philippine Cinema.
“Hindi dahil sa Noranian ako, pero I feel that Ate Guy deserves to be a National Artist.
“Ano pa ba ang hinahanap nila sa pagiging artist ni Ms. Nora Aunor? Nirurol na niya ang pagiging artista. What more can you ask from her?
“Hindi ko lang alam kung ano ang naging technical at hindi ibinigay sa kanya ang karangalan na ito. Kasi para sa akin, arts ang pinag-uusapan, eh. I-set aside natin ang moral issues.
“Sa totoo lang naman, maraming mga ar-tist diyan, hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa na naging alcoholic, gumamit ng drugs, hindi na nakabangon, but still, ‘yung body of work nila nandiyan pa rin at ‘yun ang hahangaan mo.
“Huwag naman nilang hintayin na mamatay pa si Ate Guy bago nila ibigay iyong National Artist Award. Ibigay natin ‘yan dahil dapat lang.”
Kabilang sa pangarap ni Direk Joyce ang maka-trabaho si Ate Guy sa TV man o pelikula.
“Yun nga, eh. Idol na idol ko ang taong ‘yan. Kasama siya sa mga pangarap kong makatrabaho balang araw.
“Sana lang ay kapag dumating ang katuparan na ‘yan, magkaroon ako ng lakas ng loob na maka-trabaho siya.
“Kung sana hindi ako fan, okey lang. Kaso Noranian ako. Kapag iniidolo ko ang isang tao, nawawala ang pagiging direktor ko, eh.
“Masyado akong masa-star- struck kay Ate Guy! Matutulala ako sa kanya.
“Kaya sana ay magawa kong mahiwalay ang pagiging fan ko sa pagiging direktor ko kapag si Ate Guy na ang nandiyan,” diin pa niya.
Nagsimula na si Direk Joyce ng bago niyang teleserye sa GMA 7 na My Destiny kung saan bida sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Justin Bieber nakasagasa
Nahaharap na naman sa bagong kaso si Justin Bieber dahil sa nabangga niyang pedestrian habang minamaneho niya ang kanyang Ferrari sa Sunset Strip in Los Angeles noong nakaraang taon.
Ang nag-file ng lawsuit na si Walter Lee ay naglalakad sa Sunset Strip bago mag-midnight nang matamaan siya ng sasakyan ni Bieber.
Ayon sa police report ay galing sa Laugh Factory si Bieber kasama ang kanyang kaibigan na si Li’l Twist na nasa passenger seat.
Badly injured si Lee at matatagalan ang recovery nito. Natamo niya ang severe lacerations, hematomas, deep abrasions on his left knee, and leg at deep venous thrombosis.
Gusto rin ni Lee na bayaran ni Bieber ang kanyang hospital at medical bills.