Proklamasyon sa mga National Artist puwedeng tanggalin ni P-Noy
Tama si CCP Chair Emily Abrera. TangÂgap niya na ang deklarasyon ng isang national artist ay “prerogative†ng Presidente ng Pilipinas. Kung mayroong naniniwala na sila ang dapat na magsabi kung sino ang national artist, dapat tumakbo muna silang presidente ng Pilipinas.
Inaamin nila, hindi naging normal ang proÂseso. Ang karaniwan, gumagawa ng isang memorandum ang pangulo sa CCP at NCCA tungkol sa kanilang idedeklarang national artists, bago gumawa ng official announcement sa public. This time, ang nangyari ay nagkaroon nga agad ng isang official announcement sa media sa pamamagitan ng government channel, iyong PTV 4, at doon sa cable channel na Solar News.
Pero take note, hindi rin naman normal na proseso ang ginawa nila eh. UsualÂly iyang rekomendasyon na ginagawa ng NCCA at CCP ay confidential, “for the preÂÂsident’s eye onlyâ€, para nga hindi sila maÂÂÂpahiya kung ma-reject man ang kanilang recommenÂdation, na talaga namang karaÂpatan ng presidente sa ilalim ng umiiral na batas. Eh aywan naman kung bakit sobrang excited yata sila na sila pa mismo ang mag-anunsyo, iyang NCCA pa mismo ang nagkalat na ini-recommend nila si Nora Aunor. Hindi namin masisisi kung iyang mga nasa NCCA ay mga Nora Aunor fans talaga, pero dapat isipin nila, iyan ay isang presidential honors at kung ganoon walang ibang my karapatan kung ‘di ang Pangulo.
Kaya naman mabilis na sinagot sila ni Sonny Coloma, itinatadhana ng batas na maaaring tanggapin ng pangulo ang lahat, o balewalain ang lahat na hindi kailangang magpaliwanag. Kasi nga rekumendasyon lamang iyon sa kanila. Hindi pa ba maliwanag iyan sa NCCA?
Hindi ba nila naiintindihan na sila ay mga presidential appointees din at nasa puwesto sila “at the pleasure of the president� Tapos iyong “amo†mo pagpapaliwanagin mo sa naging desisyon niya? Aba nakakatawa iyan. Kung magpapaliwanag si P-Noy sa mga iyan, aba, eh lalabas namang napakahina niyang presidente. Alalahanin din nila na iyan ay ginawa ng proklamasyon ni Presidente Ferdinand Marcos. Ibig sabihin, ang presidente ay maaaring gumawa ng isang proklamasyon para tapusin na iyang order of national artists na iyan. Insultuhin nila ang presidente at tingnan natin kung ano ang mangyayari.
Tandaan ninyo, ang batas na lumikha diyan sa national artists na iyan ay isang presidential proclamation lamang, hindi isang batas na ipinasa ng kongreso. Ibig sabihin, maaaring mawala iyan sa bisa ng isang proclamation din.
Esther Lahbati tumiklop na kay Annabelle
Pumalag na si Annabelle Rama, at sinabihan na si Esther Lahbati na tumahimik na at baka patulan na niya iyon. Nagsimula na ring magsalita si Annabelle na nagsusumbong daw sa kanya si Sarah na patuloy pa rin iyong sinisisi ng nanay niya dahil nabuntis siya. Hindi rin naman daw pinagbabawalan ang nanay ni Sarah na dumalaw sa kanilang apo, in fact natutulog pa nga raw iyon sa bahay ni Richard.
Iyon lang naman pala ang kailangan eh, dahil matapos lamang ang ilang oras nang lumabas ang statement ni Annabelle, biglang naging “private†ang Instgram ni Esther Lahbati. Ngayon ano man ang sabihin niya, sila-sila na lang ang makakabasa. Hindi na iyong kung anu-ano ang nakikitang mga hinaing ng publiko.
Iyan naman talagang problema ng pamilya, dapat na pag-usapan ng pamilya na lamang. Kaso, bakit ba lumalabas pa iyan sa publiko?
- Latest