^

Pang Movies

Nora at Dolphy pareho na ang kapalaran

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sunud-sunod ang pangangalampag ng mga taong dismayado sa hindi pagkakasali ni Nora Aunor sa mga bagong idinekla­rang National Artist ng Malacañang. Bukod sa mga supporters ni Ate Guy, muling nag-post si Robin Padilla ng hinaing niya sa kanyang Instagram account sa hindi pagkakapili kay Nora bukod sa isinulat namin dito kahapon.

Umalma na rin ang National Artist for Literature at Ramon Magsasay Awardee na si Bienvenido Lumbera ng official text ng sama niya ng loob sa Malacañang sa pag-isnab kay Nora.

Ni-lambast naman ng NCCA chairman na si Felipe de Leon, Jr, ANC Channel ang pagbabalewala sa paghirang sa superstar bilang National Artist.

Feeling naman namin, discretionary sa parte ni President Noynoy kung sino ang pipiliin niya sa mga inirekomenda sa kanya bilang bigyan ng parangal. Dalhin man nila sa korte ang hinaing nila, mababasura ring lahat ito dahil walang karapatan ang anumang korte upang kuwestiyunin ang desisyon ng Presidente.

Nangyari na ‘yan noon kay Dolphy, di ba?  Pagbaba sa 2016 ng Pangulong Noynoy, ipasok uli si Ate Guy sa nominado at baka that time, makalusot na dahil iba na ang President, huh!

Lani tuloy ang pagma-martir

Iisnabin daw ni Congressman Lani Mercado ang State of the Nation Address ng Pangulong Aquino next month ayon sa report ng GMA News.  Dapat lang naman. Ikaw ba naman ang pagbintangan ang asawa na mandarambong at ipakulong eh, mas uunahin ni Lani ang kalagayan ng asawa kesa makinig sa mensahe ng Presidente, huh!

Sa totoo lang, muling nagpamalas ng pagiging martir na asawa si Lani sa pagkaka-detain kay Sen. Bong. ‘Yun nga lang, kahit kaawa-awa na ang hitsura niya, patuloy pa rin silang binabatikos, huh!

Sa tatlo kasing senador (Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile), si Sen. Bong ang umani ng maraming batikos kahit isinumite na ang sarili sa korte. Pati ang pagngiti sa mug shots niya, hindi nakakawala sa bumabanat sa kanya! Pati ‘yung paghingi ng ibang pagkain, etc. etc!

Nasa  detention center na si Bong. Ano pa ba ang gusto nilang mangyari sa kanya o gustong ipagawa sa kanya? Eh, ‘yun naman ang gusto nila sa senador, ang makulong?

Kung walang magandang masasabi kay Bong, eh shut up na lang, ‘no? May mga kabutihan naman siyang nagawa sa ating mga kababayan, huh!

2014 MMFF walang bagong mukha

Same old and familiar faces ang malala­king artista na maglalaban-labang pelikula sa December Metro Manila Film Festival.

Nariyan sina Vic Sotto, Kris Aquino, Vice Ganda, Robin Padilla, at ER Ejercito na may entries din last year. Maging si Ding­dong Dantes ay naging bahagi rin ng mga nakaraang festivals kung saan wagi pa siya ng best actor award, huh!

Ang kapansin-pansin sa mga entries, tatlo ang mga sequel. Hindi naman masasabing sequel ang napiling Shake, Rattle & Roll XIV ng Regal dahil iba-iba ang kuwento ng bawat episode. Ang totoong sequel ay ang Feng Shui ni Kris Aquino, Tiktik Chronicles ni Dingdong, at Praybeyt Benjamin ni Vice.

Happy kasi dahil present muli ang Regal sa festival na nawala last year. Gayun­din kay Atty. Joji Alonso na ang entry ay ang English Only, Please nina Derek Ram­say at Angeline Quinto. Say nga ni Atty. sa pagkakapili ng movie niya, “Never say die daw, Jun!”

Kailangang malampasan ang kinita ng festival last year kaya box office stars pa rin ang mga bida sa walong opisyal na kalahok, huh!

Wala pang pumalag sa mga entries na napili ng MMDA. Pagdating na ng opening day sa December 25 at sa Gabi ng Parangal, doon tiyak mamumutiktik ang reklamo, huh! Tradisyon na kaya ‘yan! Ha! Ha! Ha!

 

ANGELINE QUINTO

ATE GUY

BIENVENIDO LUMBERA

KRIS AQUINO

LANI

NATIONAL ARTIST

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with