Sa katatapos na Father’s Day last Sunday nag-selfie-selfie lang ang mag-amang Sid Lucero at 10-month baby girl niyang si Halo Eve dahil trip lang ng aktor.
Wish ni Sid tulad ng ibang parents na magkaroon sana ng perfect life ang anak at maka-graduate ng pag-aaral at mag-travel ito someday.
Pero hanggang maaari ayaw niyang mag-showbiz ang anak na si Halo balang araw. Kung puwede nga lang daw ay wala sanang babae sa mga Eigenmann clan ang mag-artista. Kaso hindi naman nila mapigilan ang interest ng mga ito tulad ni Andi Eigenmann na nahatak na ng showbiz at hilig din ang umarte. Wish lang sana ni Sid na maging normal lang ang takbo ng buhay ng anak nito at malayo sa lime light ng showbiz balang araw.
Samantala nagsimula nang mag-taping si Sid sa role niya bilang lawyer sa bago niyang palabas sa GMA 7 na My Destiny. Ang ka-eksena pa lang niya ay si Gabrielle Garcia na bagong nilulutong ka-love team ni Ruru Madrid sa teleserye.
Meron na ring natapos na indie film si Sid na may title na Mauban kasama si Alessandra de Rossi pero hindi raw siya kasama sa nalasing sa mga eksena dahil iba naman ang role niya sa movie.
Gabrielle bagong ka-love team ni Ruru
Ang suwerte-suwerte naman ni Gabrielle dahil kahit bagong nag-aartista pa lang siya sa Kapuso Network, ay binigyan agad siya ng magandang role sa teleserye at sa primetime din agad ito ipalalabas.Kasama pa niya ang mga bigating artista na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na pangunaÂhing bida sa My Destiny at mukhang siya ang bagong papasikatin ng GMA 7 na gagawing love interest ni Ruru sa teleserye.
Tuwang-tuwa si Gabrielle sa unang sabak pa lang niya sa taping dahil kaeksena nga niya agad si Sid na ang role ay kapatid niya sa palabas. Super bait daw ng aktor dahil sobra siyang inalalayan nito at marami rin itong itinurong tips sa kanya pagdating sa akting lalo na kung paano humugot ng emosyon sa isang eksena. Na-meet na rin niya si Tom na sobrang bait daw at hindi raw pala suplado sa personal. Saludo at overwhelmed naman si Gabrielle kay Bb. Joyce Bernal na director ng My Destiny na perfectionist daw pagdating sa set. Lahat ng detalye ay binubusisi nito at tinuruan din siya kung paano humarap ng tamang anggulo sa kamera.
Bale ba na-discover si Gabrielle nang alukin siya ng isang talent scout na mag-audition sa ABS-CBN last year ng March, pero hindi siya nakapasa. Binalikan uli siya ng talent scout para naman sumubok sa GMA 7 at nakuha nga siya sa bakuran ng Kapuso Network.
Nagsimula na siyang mag-undergo ng acting workshop November last year at kasunod noon ay dumaan din siya kay Bb. Joyce para sa look test sa isang role.
By January ng taong ito ipinatawag na siya para sa kanyang role. Bale ba 15 years old lang si Gabrielle na hindi pinagamit ang totoo niyang surname dahil sa Gabriella Louise Lopez ang tunay niyang name.
Pero wala raw siyang koneksyon sa kabilang istasÂyon kundi magka-apelyido lang sila ng mga Lopez. Ang kamag-anak niya ay ang tita Sandy Andolong niya sa father side nito. Second year college na si Gabrielle sa St Paul, Pasig sa kursong Communication Arts. Pero preparatory course lang niya ito dahil ang gusto niya talaga ay maging isang pilot.
Impressed kasi siya sa trabaho ng mommy niya na isang flight attendant. Gusto rin niyang mag-travel pero mas gusto niyang maging piloto kesa stewardess na bagay sa height ng bagets na 5’ 6â€. Ang daddy niya ang hands on na sumasama sa kanyang lakad na nasa security world naman ang sakop ng trabaho.