Nora Aunor itsapwera sa mga dineklarang National Artist

Nagluluksa ang Noranians ngayon dahil sa hindi pagkakasali ng kanilang idolong si Superstar Nora Aunor sa bagong set ng ating National Artist.

Sa Facebook fan page nila ay katakut-takot na pagkuwestiyon ang kanilang ipinarating kay Pres. Noynoy Aquino na siyang namili ng National Artist, kung bakit hindi nakasama ang pangalan ni Ate Guy.

Puro hinaing at pagkadismaya talaga ang mababasa mo sa fan page nila sa FB at hindi man kami Noranians, damang-dama namin sa kanilang bawat post ang paghihirap ng kanilang kalooban.

Isa sa post sa FB fan page ay ito:

“Ang itim na profile pic ng ating fanpage ay simbolo ng pagluluksa sa hindi ma­katarungang pagtanggal sa pangalang NORA AUNOR sa listahan ng mga nominado bilang National Artists.

“Maaari nyo ring gawin ito bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng sangkanoranianan sa buong mundo.

“Ate Guy, ikaw pa rin ang Superstar at ikaw pa rin ang TUNAY NA NATIONAL ARTIST sa wagas na pakahulugan. Ang hindi pagproklama sa iyo ay hindi makadudungis ng iyong tagumpay bilang tunay na alagad ng sining. Mahal ka namin.”

Ang anim na bagong National Artists na pinili ng Malacanang ay sina Alice Reyes (dance), Francisco Coching (posthumous, visual arts), Cirio Bautista (literature), Francisco Feliciano (Music), Ramon Santos (Music), at Jose Maria Zaragoza (posthumous, architecture, design and allied arts).

Bago lumabas ang release ay maingay na maingay na kasama na finally si ate Guy sa listahan at talagang umasa na ang mga Noranians na makakamit na nila ang matagal na pinapangarap.

As we write ay wala pang paliwanag si Pres. Noynoy sa pagkaka-exclude ni Ate Guy but kno­wing Noranians, isa itong napakalaking issue sa kanila and for sure ay mahaba-habang debate ito.

Richard na-master na ang pagpapa-dighay sa anak

One year old pa lang si baby Zion, ang anak nila Richard Gutierrez and Sarah Lahbati pero this early, say ng aktor ay pinag-iisipan na raw niya kung saang school ito papasok.

Yes, grabe talaga ang pagka-excite ni Richard sa kanyang anak, palibhasa nga ay first son, kung baga. Pati pag-aalaga at pagpupuyat ay talagang kinakarir niya.

Kung ang ibang ama ay hindi mo maaasahan sa pagpapalit ng diaper, ani Chard ay naranasan niya rin ito.

 â€œNagpalit ako ng diaper many, many times. Na-practice ko na lahat ‘yan, pati ‘yung timing ng pagbigay ng milk, ‘yung pagpapa-burp.

 â€œâ€™Yung pagpapa-burp pala ‘yung kailangan ng patience, no? Antok na antok na ako, sabi ko, “sana, mag-burp na,” ganyan,” kwento ni Chard at tawa naman kami nang tawa.

In fairness, nakakatuwa naman talaga si Chard bilang bagong ama at mukhang magiging mabu­ting father talaga siya dahil ngayon pa nga lang ay kitang-kita na ito.

 

Show comments